Chapter 68 “Nathan!” sinalubong ako ni Jaydie ng yakap pagpasok na pagpasok ko ng gate nila. Mukhang malakas na nga ito dahil muntik na ako’ng matumba sa bigat niya. “Na-miss kita! Buti maaga ka’ng pumunta ngayon!” “Oo, examination na kasi, kaya maaga rin natapos ang naunang subject ko.” marahan ko siya’ng tinulak palayo. “Mukhang masigla ka na ngayon, ha?” bati ko sa kanya, “Bilib talaga ako sa resilience ninyo’ng mga omega!” Natuwa si Jaydie sa aking sinabi at nag-blush. ”Alam ko kasi na dadalawin mo ako, kaya nag-ayos ako para sa `yo.” ”Pumasok na tayo sa loob.” aya ni Sid na `di magawang tumingin sa amin. ”Baka mapagod ka lang `dito sa labas, Jaydie.” ”Eto namang si Sid, masyadong strikto!” bato ko sa kanya, ”Hayaan mo’ng mag-exercise si Jaydie para lumakas lalo s’ya!”

