Hindi sapat iyong salitang gulat upang ilarawan ang nararamdaman ko. Ayaw nga mag-register sa utak ko ang kasalukuyang nangyayari. Parang biglang tumalsik ang kaluluwa ko at napadpad ako sa ibang dimension kung saan ay posible ang mga nangyayari ngayon. Hinahalikan ako ni Killua Carson!!! Matapos nakawin ni Killian ang first kiss ko na dahilan nang pagkahimatay ko ay ngayon si Killua naman ang kumuha ng second kiss ko! Tama pa ba ang nangyayari ngayon? Hindi ibig sabihin na ordinaryong pagbati lang sa pinanggalingan nilang bansa ang ganitong paghalik ay pwede na nila itong gawin sa'kin! Pero lahat ng mga pagtutol ko ay hanggang isip ko lang talaga dahil ayaw kumilos ng katawan ko. Paanong kikilos gayong talo ko pa ang natuod sa kinauupuan ko. Pilit ko mang pinapaniwala ang sarili ko

