Wala namang sumunod na nangyari matapos kong napatawa si Killua Carson kahit hindi ako nagbitaw ng kahit anong joke. Pagkatapos niyon ay basta na lang akong iniwan ng dalawa sa vip room. Nang makaalis sila ay dumating naman si Dora at parang nanalo sa lotto na masaya akong niyakap. Feeling close na sa'kin ang masungit na floor manager! Pero hinayaan ko na lang, ang importante ay makakalabas na ako ng VIP room nang hindi sumayaw! Hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi ni Dora basta ang malinaw ay nagbigay raw ng malaking tip ang magkapatid na Carson. Pinuri-puri pa ako ni Dora, hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko. Basta dahil doon ay pwede na akong umuwi nang maaga. Tapos na raw ang trabaho ko no'ng gabing iyon. Ang nakakagulat pa ay binigyan ako ng labing-limang libo na

