"Teka, may tanong ako," putol ko sa pagpapaliwanag ni Attorney Warren. "Paano pala kung hindi ko mapaniwala si Mrs..." Nakalimutan ko kung ano ang pangalan ng lola nina Killian at Killua. "Mrs. Niaña Guia Carson," dugtong ni Attorney Warren sa pabitin kong sinabi. "Iyon nga, paano kung hindi ko mapaniwala si Mrs. Carson?" pagtutuloy ko sa nabiting tanong. "Hindi ka namin kinuha upang pumalpak sa trabaho mo," matigas na wika ni Killian. Sinibat ko ito ng matalim na tingin. "Paano nga kung iyon ang mangyayari?" mataray kong giit. "Kailangan mong mapaniwala si Lola," malamig na singit ni Killua. Agad ko namang naitikom ang sariling bibig. Kahit malumanay ang pagkakasabi ni Killua ay puno iyon ng pinalidad na kailangan kong gawin. Partida hindi pa siya nakatingin sa'kin habang na

