Dumiretso kami sa Naia terminal airport. Gagamitin daw namin iyong private plane nila patungo sa Palawan. Inihatid kami ng mga security sa likurang bahagi kung saan naroroon ang paliparan at ilang mga eroplano. Hawak naman ni Neil ang kamay ko habang patuloy kaming naglalakad palapit sa isang airplane na hindi gano'n kalaki. "Hon, nagugutom na'ko." "There's food inside." "Oh, goody! Gutom na gutom na talaga ako, e. Maglu-lunch na nga sana ako kanina do'n sa coffee shop, kaso dumating ka. Ikaw ba kumain na?" "Nope." Umakyat na rin kami sa hagdan at pumasok na sa loob. "E'di sabay na tayo!" *** Kasalukuyan na rin kaming nasa himpapawid. "Hmmm! Grabi, ang sarap! Parang ayaw ko nang tumigil sa pagkain!" Patuloy ako sa paglamon at kung ano-ano iyong kinukuha kong pagkain na nasa

