bc

Her Sweet Arrogant Lover

book_age18+
7.1K
FOLLOW
47.4K
READ
drama
enimies to lovers
rejected
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Caelynn ay may nangyari sa kanila ng aroganteng kapatid ng boss niya nang magising siyang hubo't hubad katabi ito.

Pero ang totoo, kusa siyang naghuhubad ng kanyang mga damit sa tuwing siya ay natutulog at napagbintangan pa nga ang aroganteng binata na pabiro siyang kinidnapped at dinala sa condo nito.

Ang hindi nila alam, sa bawat pagtatalo nila ay unti-unting mabubuo ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Naked
"Ang kapal ng mukha mo!" "Do you know who you're talking to, woman?" mariin niyang tanong sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang may talim natitig sa kanyang mga mata. Malapit niya na akong ma-corner sa table. Walanghiya talaga siya. Napasandal na ako sa lamesa. Nasa harapan ko naman ang lalaking ito! Mang-ra-rape pa yata! "I am your boss, ya know." mariin pa rin niyang wika. Ilang dangkal na lang ang lapit namin. Amoy na amoy ko na rin ang pinakamabahong pabango na naamoy ko sa buong buhay ko! Hate ko ang lahat sa kanya! Hindi naman ako nagpatinag at matapang kong nilabanan ang matalim niyang titig. "Hindi ikaw ang boss ko! Si Sir Nash ang boss ko! Hindi ikaw!" sigaw ko sa boses na kaya kong ilabas. Nanginginig na ako sa galit pero itong lalaking nasa harapan ko, mukhang natutuwa pa! Hindi man lang siya natatakot sa galit ko. Nginisihan pa niya ako! "You know what? I think I like you," Agad akong napahinto sinabi niya. Kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Pabalik-balik pa nang tingin ang kanyang mga mata sa aking labi. Bigla akong nandiri sa kanya at hindi ko na namalayan ang nagawa ko. Agad ko siyang tinulak at malakas na sinampal. "Bastos!" "What the-?!" Gulat siyang bumaling sa akin at mas lalong pang tumalim ang kanyang mga mata. Susugurin niya sana ako at handa na rin sana akong sampalin siya nang mas malakas pa, ngunit bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sir Nash na may kasamang....babae? Sa takot ko sa walanghiya na lalaking 'to ay agad akong lumapit kay Sir Nash at nagtago sa kanyang likuran. Kumapit pa ako sa suot niya. Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ng magandang babae na nasa likuran rin ngayon ni Sir Nash na katapat ko lang rin. "Neil, what did you do?" tanong ni Sir Nash sa manyakis niyang kapatid. Parang alam niyang may ginawang kalokohan ang kapatid niya. "Can't you see? She slapped me on the face!" galit niyang sumbong sa kuya niya. Sobra palang namula iyong mukha niya, sa lakas ba naman ng pagkasampal ko sa kanya. Dapat lang naman sa kanya 'yan! He deserved it! Manyakis! "Tsk, 'di ka naman kasi umilag." Kita ko naman ang pagnganga ni Neil sa sagot ng kuya niya. Napangisi ako sa isipan ko. "Sir, 'yang kapatid niyo po kase, manyakis!" Sumbong ko na rin kay Sir Nash sabay turo sa lalaking nag-aapoy na sa galit. Mas lalo pa siyang napanganga sa sinabi ko. E, totoo naman na manyakis siya! Bigla namang naagaw ang aming atensyon at sabay kaming napalingon sa babaeng ngayon ay mahinang tumatawa. Nabaling ang aming atensyon sa babaeng kasama ni Sir Nash. Sino siya? Ang cute niya namang tumawa, pero parang sarcastic naman ang pagtawa niya. "Magkapatid nga talaga kayo." Ngisi nitong sabi. Kita ko naman ang agad na pagsimangot ni Sir Nash dahil sa sinabi ng babae. Pero inirapan lang naman siya nito. "Kara nam-" "Will you please, stop calling me Kara?" inis nitong putol sa sasabihin sana ni Sir Nash. Teka, sino ba siya? Ang sungit naman niya. Pero ang amo naman ng mukha niya. Nilampasan niya kami at nagtungo siya sa sofa. Agad namang sumunod si Sir Nash sa babae at may binulong pa. Rinig ko 'yon! "Okay fine. Ikaw lang naman minamanyak ko noon." "Anong sabi mo!?" "Wala! Umalis na nga kayong dalawa!" Pagtataboy sa amin ni Sir Nash. Agad namang sumunod itong lalaking nakatitig pa rin sa akin nang matalim bago tuluyang umalis sa silid ni Sir Nash. Napa-ismid na lang ako. Nakakainis talaga siya. Muli akong bumaling sa gawi ni Sir Nash at sa babaeng kasama niya. "Sir, tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo." ani ko. "Go on."sagot niya naman habang ang paningin ay nasa magandang babae pa rin. Nagtitigan sila ng malagkit! Agad na rin akong lumabas dahil pakiramdam ko ay nakakaistorbo na ako sa kanila. Madami pa akong trabaho na hindi na tapos dahil sa lalaking 'yon. *** ALAS- ONSE na ng gabi ako natapos sa pinagawa sa akin ni Sir Nash, kaya ngayon pa lang ako makakauwi. Pagod na pagod akong naglakad palabas ng building at palinga-lingang tumingin sa kalsada ng sasakyan na pwedeng masakyan. Dahil sa maghahating-gabi na ay wala na talagang pampasaherong sasakyan. Pero meron pa naman siguro doon sa bandang unahan. Kahit pagod na ako ay kailangang ko pa ring maglakad sa malayo para makasakay at makauwi. "Sana naman may grasyang dumating, oh!" sigaw ko sa kawalan habang nakatanaw sa kalangitan. Ilang minuto na rin akong naglalakad. Pagod na pagod na talaga itong mga binti at paa ko, lalo na't naka-high heels pa ako. Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad. Ilang minuto lang ang lumipas ay napahinto naman ako nang mapalinga ako sa paligid. Nangunot agad ang aking noo. Madilim ang lugar. Malayo na rin ito sa main road. Tsk, nagkamali ba ako ng daan? "Teka, hindi naman ako lasing, ba't napunta ako rito?" Kaagad akong bumalik sa kung saan ako nanggaling kanina. Kalmado lang akong naglakad kahit madilim ang paligid. Hindi naman kase ako natatakot dahil wala namang multo. Hindi rin naman kase totoo 'yon. At kung may magkamali mang manakot sa akin? Patay talaga sa akin! Patuloy pa rin akong naglakad. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang kaluskos na naririnig ko sa likuran. Pinagsawalang bahala ko naman ito, kase nga matapang ako. Ngunit mas lalo pang lumakas ang kaluskos at yabag na tila papalapit sa aking gawi. Bago pa ako makaharap sa taong nananakot sa akin, bigla na lamang may nagtakip ng aking bibig gamit ang panyo. "Hhhhmmmmmppp!" Sumigaw ako ng malakas at sinubukang pumiglas, ngunit malakas ang unknown person na 'to na mukhang ki-kidnapin yata ako! Agad na nanghina ang katawan ko dahil sa kakaiba amoy na nalanghanap ko sa panyong itinakip sa akin. Tinanggal rin sa mukha ko ang panyo. Ngunit may naamoy naman akong pamilyar na pabango. Iyong mabahong pabango ni Neil! Unti-unti na akong nawawalan ng malay, at bago pa dumilim ng tuluyan ang paligid ko ay narinig ko pa ang sinabi ng lalaking kumidnap sa akin. "Mamaya ka sa'kin." AGAD kong minulat ang mga mata ko. Nagising ako sa magarang silid. Alam kong marangya ito dahil sa kisame pa lang ay pangmayaman na. Nahihilo akong bumangon bago tiningnan ang paligid ko. Nasa silid ako. Silid panglalaki? Agad namang namilog ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyare kagabi. Kinidnap ako! Tatayo na sana ako nang may narinig naman akong umungol sa tabi ko. Nabigla ako ngunit hindi na ako magtataka kung sino siya dahil sa pabango pa lang niya ay kilalang-kilala ko na kung sino siya!! NEIL! Agad na kumulo ang dugo ko. Nagising siya at mapupungay pa ang kanyang mga matang humarap sa akin. "Oh, Good morning, baby." ani niya na may ngiti sa labi bago pumikit ulit. Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala. Nanaginip pa yata siya! "Hayop ka talaga, NEIL!!" Malakas kong sigaw dahilan para magmulat siya at mabilis na tumayo paalis ng kama. Pinagbabato ko siya ng unan at kung anong bagay na pwede kong ibato sa kanya. "Walanghiya ka! Kinidnap mo ako!" "Stop it! s**t!" Tudo ang iwas niya sa mga bagay na pinagbabato ko sa kanya. Natitigan ko siya. Ngunit agad namang namilog ang aking mga mata dahil sa nasilayan ko. Wala siyang anumang saplot sa katawan at nakita ko pa ang pagod niyang kaibigan! Ganyan ba talaga siya matulog!? Halos maiyak ako at muli ko na naman siyang binato ng gamit na mahawakan ko. "Ahhh, Hayop ka na nga, napakabastos mo pa!" "Ano ba, stop it!" sigaw niya pa rin, ngunit hindi ako huminto sa pagbato sa kanya. Hindi ko naman inasahan ang paghablot niya sa makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan, dahilan para mahulog ako sa kama. "Ahhhhh! Aray!!" "Caelynn!" Ahh!! Ang sakit ng balakang ko! Hindi ko man lang napansin na may nakabalot pala sa katawan ko! Tumayo agad ako habang hawak-hawak ang balakang ko. Ang taas naman pala nitong kama niya! Tiningnan ko siya ng masama ngunit na pahinto ako dahil sa reaksyon niya habang nakatitig sa aking....katawan? Agad na bumaba ang patingin ko at doon ko nakita na wala rin pala akong saplot! Agad akong nanghina ng sobra. Kusa na ring tumulo ang mga luha sa pisngi ko at napa-upo na lamang ako sa sahig dahil nanghihina na rin ang mga paa ko. Tinakpan ko ang aking katawan gamit ang aking mga palad. Walanghiya siya, pinagsamantalahan niya ako! "Shit." rinig ko pang mura niya. Napahagulgol ako ng malakas. Mas lalo pang nadagdagan ang galit ko sa kanya! Naramdaman ko ang mga yabag niya papunta sa gawi ko. "Hey, let me explain," mahinahon niyang sambit at yumukod. Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis ko siyang sinampal. Nabalibag na naman ang maganda niyang mukha na makapal! At muli na naman niyang nakita ang maganda kong katawan!! "Hayop ka! Akala ko hayop ka lang pero hindi!! Dahil demonyo ka!!" Naiiyak kong sigaw sa kanya. Napanganga kuno siya. Nagkukunwari pang walang ginagawang masama!! "What on earth are you talking about? I didn't do anything to you. I never touched you." "Walanghiya ka! Anong never touched you?! Bakit nakahubad ako ngayon, ha! Tingnan mo. Tingnan mo ang katawan ko!" Tulala na naman siyang tumitig sa katawan ko. Manyakis talaga! At nakita na naman niya ulit ang maganda kong katawan!! Malakas ko siyang sinampal ulit sa mukha. "Aray!" Napadaing siya at hindi na naman inasahan na dumapo ang aking palad sa kanyang mukha. "Naka-ilan kana babae, ha!!" Gigil siyang bumaling sa akin. "Nararapat lang sayo 'yan! Ngayon, panagutan mo ako! Pakasalan mo ako! Hindi ako papayag na walang ama itong dinadala ko!" malakas ko sigaw sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo?!" inis siyang tumalikod at kinuha ang makapal na kumot sa sahig na kanina ay hinablot niya sa akin. Agad rin siyang bumalik at binalotan ako ng kumot. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako! Tinalikuran niya ako at dinampot ang damit niya. Kita ko pa ang pwet niya. Nagtungo siya malapit sa closet kung saan may basket. Doon niya nilagay ang mga damit niya. Kaagad naman akong tumayo. "Ano? Pananagutan mo ba ako o ipapalaglag ko ang batang 'to?" Nakita ko ang paghinto niya. Mabilis siyang humarap sa akin at nakita ko ang dilim na bumalot sa kanyang mukha. "Don't you ever say that again, woman. Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." mariin niyang wika. Napanganga ako. "Bakit, ano pang gagawin mo, ha?! Nagawa mo na nga 'di ba? Gagawin mo na naman ulit?!" "Tsk." Marahan kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko gamit ang kumot na nakabalot sa akin. Napasinghot pa ako. "Tsk." Nagpintig na naman ang tainga ko. May pa tsk, tsk pa siya! "Wag kang mag-alala, magiging single mother ako, at magiging mabuting ina sa magiging anak natin. Palalakihin ko siyang mabait at sisiguraduhin kong hindi siya magiging manyakis katulad ng tatay niya!" Matapang kong sigaw sa kanya. Bumaling siyang muli sa akin. Nakakunot iyong noo niya at binigyan pa ako ng masamang tingin. "Baliw." Agad ako napanganga at nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Mabilis siyang pumasok sa banyo at padabog na sinirado ang pinto. Ako pa? Ako pa ngayon ang baliw?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook