The best love stories are the ones where two people find their way back to each other, no matter the obstacles. True love stories are not perfect, but they are filled with perfect moments.
Kaya mo bang ipaglaban ang pag-ibig na hinahadlangan ng mga magulang? Na maraming lihim at kasinungalingan?
Nagsimula ang lahat nang magkakilala sina Nash at Kara sa bus. Pinagtagpo sila ng tatlong beses sa iba't ibang pagkakataon, na nagbigay-daan para maipakita ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa.
Nakatadhana, natuklasan ni Kara ang lihim na si Nash ay anak ng may-ari ng kompanya kung saan pareho silang nagtatrabaho, at nakatakda itong magpakasal sa ibang babae.
Inakalang pinagtaksilan, pinatunayan naman ni Nash ang kanyang tunay na nararamdaman. Tumakas silang dalawa ni Kara, malayo sa mundong hadlang sa pagmamahalan nila.
Nakita nila ang kanilang sarili sa isang malawak at mapayapang lupain. Subalit, kahit saan man sila magpunta, hindi pa rin nila matatakasan ang realidad at mga hadlang sa kanilang pag-iibigan.
Hahabulin sila nito hanggang sa mahalungkat ang isang madilim na sikreto at marami pang kasinungalingan na magpapabago sa kanilang buhay.
"Bilang kami ay mag-asawa na ng iyong ina, Lance, gusto kong ituring ninyo ni Lirah ang isa't isa bilang magkapatid."
Nagsimula ang kwento nina Lirah at Lance bilang magkaalitan. Nagkamabutihan, nagkakilala hanggang sa maging magkasintahan.
Ngunit susubukin ang kanilang pagmamahalan ng magpakasal ang kanilang mga magulang lingid sa kanilang kaalaman. Naging magstep-siblings sila.
Hiling ng ama ni Lirah, na ituring nilang dalawa ni Lance ang isa't isa bilang magkapatid. Ngunit kaya ba nilang gawin iyon, lalo na't may lihim na relasyon sa pagitan nilang dalawa?
Akala ni Caelynn ay may nangyari sa kanila ng aroganteng kapatid ng boss niya nang magising siyang hubo't hubad katabi ito.
Pero ang totoo, kusa siyang naghuhubad ng kanyang mga damit sa tuwing siya ay natutulog at napagbintangan pa nga ang aroganteng binata na pabiro siyang kinidnapped at dinala sa condo nito.
Ang hindi nila alam, sa bawat pagtatalo nila ay unti-unting mabubuo ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa.
Nagsimula ang lahat ng makilala ko ang lalaking bakasyonistang si Rowan Lockser habang nagbebenta ako ng mani at tubig sa mga bus stop station sa cebu.
Nagkakilala kami noong tinawag niya ako upang bumili siya ng aking paninda na tubig at mani. Tinuturing ko siyang 'Swerte' sa buhay dahil inubos niya ang natitira kong tinda.
Hindi ko rin akalain na mahuhulog ako kaagad sa kanyang kagwapohan na kahit sinong lalaking nakilala ko ay hindi man lang pumantay sa kanya.
Ginawa ko ang lahat mapansin niya lamang ako hanggang sa naging kami, ngunit sa kasamaang palad ay hindi kami nagtagal dahil bigla na lamang nagbalik ang kanyang Ex na si Clarisse Turner na siyang una niyang inibig.
Sinubukan kong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya ngunit panakip butas lang pala ako habang naghihintay siya na bumalik sa kanya ang una niyang pag-ibig.
I am Gray Foster and I've been hiding my feelings for the my bestfriend Katherine Nashira Smith, the daughter of my family's business partner, since I was younger.
Simula pa lamang noong una ko siyang nakilala at mistulang musmus pa lamang kami ay nakitaan ko na siya kaagad ng kagandahan, kabaitan na siyang nagpagpabighani sa akin. At mas lalo ko pang nakita ang iba pa niyang katangian na siyang mas lalong nagpahulog sa akin sa kanya ng magkasama kaming lumaki.
Ang kanyang pagiging sweet sa akin at pag tawag sa akin ng "My Love" na wala naman pala tlaagang meaning sa kanyang ay siyang mas lalong nagpatibay ng aking pagmamahal sa kanya.
She was my besfriend, my best bud and everthing. Ngunit lingin sa kanyang kaalaman ang aking damdamin sa kanya lalo na at ang turing niya sa akin ay isang kapatid lamang.
Masakit.
Ngunit mas masakit noong nahanap niya na ang lalaking mamahalin niya na mismong kaibigan ko pa.
Wala akong magawa kundi ang umalis at hindi na magpapakita pa sa kanya.
Nagsimula ang relasyon nina Tanya at Rykel ng magkakilala ang dalawa sa pinagtatrabaho-ang restaurant ni Tanya.
Mabilis na nagtapat si Tanya sa kanyang pagmamahal sa lalaki at ganoon rin ang lalaki.
Niyaya siya ni Rykel na magpakasal na kaagad namang tinanggap ni Tanya.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Tanya ang totoong rason ng mabilisan nilang pagpapakasal nila ng kasintahan.
Paano pag nalaman ni Tanya ang sekreto ng lalaking minahalan niya? mapapatawad pa ba niya ito?