
Nagsimula ang lahat ng makilala ko ang lalaking bakasyonistang si Rowan Lockser habang nagbebenta ako ng mani at tubig sa mga bus stop station sa cebu.
Nagkakilala kami noong tinawag niya ako upang bumili siya ng aking paninda na tubig at mani. Tinuturing ko siyang 'Swerte' sa buhay dahil inubos niya ang natitira kong tinda.
Hindi ko rin akalain na mahuhulog ako kaagad sa kanyang kagwapohan na kahit sinong lalaking nakilala ko ay hindi man lang pumantay sa kanya.
Ginawa ko ang lahat mapansin niya lamang ako hanggang sa naging kami, ngunit sa kasamaang palad ay hindi kami nagtagal dahil bigla na lamang nagbalik ang kanyang Ex na si Clarisse Turner na siyang una niyang inibig.
Sinubukan kong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya ngunit panakip butas lang pala ako habang naghihintay siya na bumalik sa kanya ang una niyang pag-ibig.
