CHAPTER 1: New Life
LIRAH
Ni-zipper ko na ang panghuli kong maleta bago tumayo. Napabuntong-hininga ako habang pinagkatitigan ang tatlong maleta na dadalhin ko paalis.
Yep, aalis na ako. Iiwanan ko na ang mansyong ito na puno ng alaala kasama si Mommy.
It's sad, but I have no other choice. I can't stay in the same house with Dad anymore. Masasaktan lang ako every time he avoids me and makes me feel that he doesn't love me as his child. Matagal ko nang tiniis ang malamig niyang pagtrato, at hindi ko na ito kayang tiisin pa.
Akala ko, habang tumatanda ako, magiging malapit kami sa isa't isa dahil sa ganitong paraan mas mauunawaan ko siya at malalaman kung paano siya pasayahin.
And yes, I understand him clearly now. I can read him like an open book. He doesn't want me around. Hindi niya ako mahal.
When Mommy passed away due to pancreatic cancer, which was also the time I turned 18, akala ko ay karamay ko si Daddy. Umasa ako na mag-build ang relationship naming dalawa dahil kami na lamang ang magdadamayan. But what I thought was wrong. Mas lumala pa nga. I ended up fighting with him everyday.
One of our biggest fights was when I desperately needed his emotional support. I was still struggling with Mommy's death at that time. All I wanted was for him to recognize me, to give me his attention. Pero parang hangin lang talaga ako sa kanya. Hindi ko kinaya ang panahon na 'yon, so I burst out at him, blaming him for Mommy's passing. At doon ko lang naagaw ang atensyon niyang buong buhay kong hinintay. Pero sobrang galit nga lang. Lagi namang gano'n. Hindi na rin naulit ang pangyayareng iyon.
And now that I'm 23, I want peace in life. Away from people who does not want me in their life. Nakakapagod ring maghabol sa atensyon niya. Buong buhay ko ay pinaparamdam niya sa akin na hindi ako mahalaga. So, goodbye, silent haunted house. I'm out.
Isa-isa ko nang hinila ang malalaki at medyo mabibigat kong luggage papuntang 1st floor ng bahay.
Iiwanan ko muna sila ng sandali sa sala. Magpapaalam pa rin ako ng maayos kay Dad. Ayaw ko naman maging bastos. Ama ko pa rin siya.
Hahakbang na sana ako nang mapatingala naman ako sa 2nd floor. Nakita ko si Daddy sa glass wall, sa loob ng office niya. Lumabas siya sa isang silid doon na ginawa na niyang kwarto.
Napatitig ako sa matapang at masungit niyang mukha. Ganyan na kasi ang normal expression ng mukha niya.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung gaano ako natatakot sa pagmumukha niyang iyan dati. Noong nagkaroon ako ng malay sa mundo, nakikita ko siya bilang monster dahil sa mukha niyang iyan.
Mahina akong natawa at napailing. Namigat naman ang dibdib ko. Naalala ko rin kung paano niya ako ipagtabuyan noon. I still remember it, all too well. That time, I was 7 years old, proudly showing my art to him.
"Daddy! Daddy! Look po, oh! I drew a beautiful dress! "
Patakbo ako noong lumapit kay Daddy habang naka-upo siya sa sofa, proudly showing him my drawing. Nag-drawing kasi ako noon ng magandang dress.
His working that time, very fucos sa laptop niya. He didn't even gaze at me kahit sobrang tinis ng boses ko. He continued working and ignored me.
"Daddy, look po, oh, drawing ko po."
Pero pinilit ko pa rin siyang tingnan ang drawing ko. Mahina ko pa ngang ginalaw ang balikat niya noon para lang lingunin niya ako. And what did I get? A deadly stare from him.
I was so afraid of him that time, staring straight into his deadly eyes without even blinking. I was completely stunned. Kasi first time ko noon na nagkalakas ng loob na lapitan siya. He's really stern, kaya natatakot akong lapitan siya.
Parang may sinalo akong patalim habang naaalala ang nakamamatay niyang titig sa akin noon.
Ilang segundo din iyon at kulang na lang ay umiyak ako.
"Luxanna!"
Naalala ko kung gaano kahigpit akong napapikit noon sa lakas nang pagsigaw niya sa harapan ko habang tinawag niya Mommy. Halos mabingi nga siguro ako noon.
Buti na lang at lumabas kaagad si mommy no'n sa workshop niya. Magmamadaling lumapit sa akin.
"Lirah, anong ginagawa mo dito?" Parang napagalitan pa ako sa tuno niya. Pero may halos pag-aalala rin. Nakakatawa lang. Parang mali pa lang lumapit kay Daddy.
"Gusto ko lang pong ipakita ito kay daddy. Drawing ko po. Maganda po siyang dress," Pinakita ko kay Mommy ang drawing ko. Hindi niya kasi alam noon na nag-drawing ako para ipakita kay daddy.
"Ilayo mo sa akin ang batang iyan. Iniistorbo niya ako sa trabaho ko!" Napapikit ulit ako at napayuko sa lakas ng sigaw ni daddy. Pero hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Ni hindi ako kumapit kay mommy. I firmly stand my ground.
"Mauna ka na doon, Lirah." Iginiya ako ni mommy na mauna. Sumunod naman ako sa utos niya at madaling tumakbo papunta sa silid ng workshop niya. Ngunit nagkubli ako sa pintuan no'n at pinagmamasdan silang magsigawan ulit.
"Ano ba ang problema mo sa anak mo, Laz? Anak mo siya! Tratuhin mo naman siya ng maayos!"
"Pati ikaw! Umalis ka! Nakakaistorbo kayo ng trabaho!"
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Bata pa naman ako noon. Pero dahil sa nagmulat na ako sa mundo, hindi ko na nakalimutan iyon. Ngayon na realise ko kung gaano sila ka toxic. Like, minahal ba talaga nila ang isa't isa? Kung hindi naman nila mahal ang isa't isa dapat hindi na sila nagpakasal.
Lumapit si mommy sa akin noon na pasimpleng pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Napahinto pa nga siya ng makita ako sa pintuan.
Agad niya akong pinapasok sa loob at kaagad na isinara ang pintuan ng workshop. Hinarap niya ako at umupo para magpantay kami.
Hinaplos niya ang pisngi ko. Ako naman ay hindi maiwasang titigan ang magaganda niyang mata na kulay gray, pero pinapaluha lang ni daddy.
"Lirah, anak, pagpasensiyahan mo na si Daddy, ha. Busy lang siya sa work. Ayaw niyang maistorbo."
"I'm sorry po, mommy. Gusto ko lang kasing ipakita ito. " Pinakita ko ulit sa kanya ang drawing ko. Malaking ngiti niya namang tinanggap ito at pinagkatitigan.
She was proud of me as I remember those sweet smiles.
"Buti nga ay hindi niya pinunit ito." Sandali niyang tinabi ang paper at humarap muli sa akin. Hinalikan niya ako sa noo at sa magkabilang pisngi.
"Mahal na mahal kita, Lirah, at kung mawala man ako, k-know this, na nandito lang ako sa puso mo. H-Hindi kita iiwan, anak." Nakita ko ang luhang sumilip sa kanyang mga mata. Kaagad ko namang inabot ang pisngi niya at gently kong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
"M-Mommy," Napahikbing din ako at humawak sa magkabila niyang pisngi. Mabilis niya namang hinawakan ang pisngi ko at ang mga mata ko naman ang pinunasan niya.
"Sorry, sorry. 'Wag ka nang umiyak. Hanggat nabubuhay pa si Mommy ay poprotektahan ka niya sa kahit sinong gustong manakit sa iyo. Pero dapat matapang ka rin dahil hindi habang buhay nasa tabi mo si Mommy. Naiintindihan mo ba?"
Mahina akong tumango.
"Yes, mommy. "
Mapait akong ngumisi sa aking sarili. Iyon pala ang ibig niyang sabihin noon. Nagforeshadow sa future niya. So, that time, may sakit na pala siya.
Kung matanda na sana ako noong mga panahon na iyon, I could have given her comfort. Helped her, healed her. Pero dahil sa patuloy nilang pag-aaway ni Daddy at sa stress, bumigay din ang katawan niya at iniwan ako.
I wanted to hate Daddy pero ama ko pa rin siya, I can't hate him. Ayaw kong magtanim ng galit sa puso ko. Ako lang din ang kawawa.
Huminga ako nang malalim at iniwaksi ang mga iniisip. Muli akong tumingla sa gawi ni daddy. Nakita ko na siyang lumabas sa office room niya at naglalakad na pababa sa hagdan. Napansin ko ang pagtitig niya sa mga luggage ko na nasa sala. Pero wala naman siyang ibang emosyon na binigay doon.
Tuluyan na siyang nakababa at lumapit sa aking gawi.
Bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Good morning, Dad," Bati ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at muling tiningnan ang mga luggage sa baba bago ako muling hinarap at tinaasan ng kilay.
Sandaling napasaya ang puso ko sa simpleng pagtaas ng kanyang kilay sa akin.
Dad, pwede niyo naman akong tanungin. Kahit pigilan pa.
"Spill it,"
Napairap na lamang ako sa aking isipan. Gusto ko mang mainis pero parang immune na ako sa pagwawalang bahala niya sa'kin. Waepek na!
"I'm humbly asking for your permission, Dad. I'm leaving this house," Walang takot kung sabi sa kanya. Like he cares.
Mas lalo namang tumaas iyong kilay niya. Pahiwatig no'n ay dapat magbigay pa ako ng more detailed information sa kanya.
Galing, hindi ba. Parang mute lang. Kaya aalis na talaga ako dito. Baka mahawa pa ako.
"May lilipatan na po ako. 'Wag po kayong mag-alala." Alam ko namang wala kayo no'n.
Huminga siya nang malalim.
"Do whatever you want in your life. Malaki ka na. You can support yourself, right? Then go. I wish you luck."
Nilampasan niya ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o masasaktan o matutuwa. Matuwa na nga lang.
Ngumiti ako nang sobrang tamis kahit bitter iyon at naghabol sa kanya nang tingin.
"Thank you, Dad! I really need those words of luck. But this doesn't mean na hindi na ako babalik dito. I still have rights to this house. Ingatan n'yo rin po ang sarili ninyo. Farewell, Dad. "
Hindi niya ako pinansin at pumasok siya sa loob ng kusina. Napahinga na lamang ako nang malalim. Nilingon ko ang mga maleta ko.
This is it! New life and peaceful life begins!