Isa-isa ko nang pinulot ang aking mga damit na nasa sahig.
Walanghiya siya! Hinubaran niya ako. Bastos siya! Manyakis!
Muli akong napahikbing. Paano niya nagawa sa akin 'to?! Sa lahat ng tao, siya ang hindi ko inasahan na makakagawa sa akin ng ganito!
Oo, palagi kaming nag-aaway dahil hindi ko talaga maunawaan kung bakit mainit ang dugo niya sa akin.
Akala niya siguro hindi ko siya papatulan. Nagkakamali siya!
Masusuntok ko talaga ulit ang pagmumukha niya!
Ibang-iba siya sa nakakatanda niyang kapatid na si Sir Nash. Kahit mainitin na ang ulo ni Sir Nash ay mabait pa rin ito. Hindi katulad niya!
Secretary ako ni Sir Nash, mag-aapat na taon na akong sekretarya niya ngayon. At ang hindi ko maintindihan kay Neil na 'yon, sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lang niya ako ginawan ng ganito. Parang ngayon lang niya ako napansin.
Tandang-tanda ko pa kung gaano niya ako kaayaw dati. At ganun din naman ako sa kanya, no!
FOUR YEARS AGO
"Ayst, ano ba 'yan! Tanga ka talaga Caelynn! Bakit hawak-hawak mo pa itong resume mo! Babalik na naman ako nito!" inis kong kausap sa sarili ko.
"Kuya! Para!"
Agad na huminto ang taxi na pinara ko at madali akong pumasok sa loob.
"Saan po tayo, ma'am?"
"Sa Smith Building po tayo."
"Sige po."
Mabilis na kinabig ni kuya ang sasakyan paalis.
Kakauwi ko lang galing States, at agad nga akong naghanap ng trabaho para suportahan ang sarili.
Naglayas kasi ako. Gusto kong maging free as a bird. Ayaw ko rin na umaasa pa sa mga magulang ko.
At itong lintek na resume ko, hindi ko pa naibigay. Paano na ako tatanggapin nito! Siguro kailangan ko nang tanggapin ang kapalaran ko na hindi ako tatanggapin sa kahit anong trabaho na papasukan ko! Tama. Hindi ko na pipilitin ang sarili ko.
"Miss, nandito na po tayo."
"Ay! Salamat kuya!" Agad kong inabot kay kuya ang bayad at madaling lumabas.
Buti na lang at hindi pa ako masyadong nakalayo. Naglakad lang kasi ako kanina. May pupuntahan pa sana ako.
Mabilis akong tumakbo sa malawak na espasyo patungo sa gusali, ngunit agad namang nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng husto ang dibdib ko nang biglang sumulpot ang isang kotse sa harapan ko.
Sandali akong natulala, ngunit agad din akong nag-apoy sa galit. Sasagasaan pa yata ako!
"Hoy!" Malakas kong hinampas ang lintek na kotse sa harapan ko. Papatayin pa yata ako!
Kumukulo ang dugo ko sa galit habang nakatitig sa taong nasa loob ng kotse. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil tinted ang bintana ng kotse niya at natatamaan ito ng sinag nang palubog na araw.
Gayunpaman, nakita ko na nagulat din siya.
"Papatayin mo ba ako, ha?! Walanghiya ka! Lumabas ka diyan!Pagduro ko sa kanya.
"Walanghiya ka! Alam mo bang mahal na mahal ko ang buhay ko?! Naghanap ako ng trabaho para suportahan ang sarili ko, tapos sasagasahan mo lang ako?! Lumabas ka diyan! Dudurugin ko 'yang pagmumukha mo!" Muli kong hinampas ang kotse niya.
Ngunit ilang segundo pa ang lumipas, hindi pa rin lumabas ang walanghiya.
"Ano, ha?! Hindi ka lalabas? Pwes, humanda ka!"
Agad akong tumalikod at naghanap ng malaking bato para kapag lumabas ang taong iyon, madurog agad ang mukha niya!
"Ayaw mong lumabas, ha."
Agad naman akong nakahanap ng bato na sakto lang sa laki. Napangisi ako sa aking isipan.
Madali akong humarap. Humanda ka ngayon.
Ngunit agad naman akong napahinto at parang naistatuwa dahil sa lalaking ngayon ay nakatitig na sa akin at nasa labas na ng kotse.
Biglang kumabog ang aking puso sa hindi malamang dahilan.
Ano itong nararamdaman ko?
Tinaasan pa niya ako ng kilay. Napansin ko rin ang itsura niya. Ang mukha niyang......panget!
"What are you doing?" Mas lalo akong napahinto sa mapang-akit nitong boses.
Sandali akong natameme. Ngunit agad ding bumalik ang galit sa aking dibdib. Wala sa sarili kong binitawan ang bato at madali akong lumapit sa lalaki.
"Papatayin mo ba ako?!" agad kong sigaw sa kanya.
Mas lalo namang kumunot ang buong mukha niya.
"Excuse me, tingnan mo nga kung saan ka nakatayo ngayon,"
Muli na naman akong napahinto dahil sa sinabi niya. Agad kong tiningnan kung saan ako nakatayo.
Lihim na lumaki ang mga mata ko nang makita kong nasa gitna ako ng daan.
"You're in my road," mariin niyang wika habang nakatitig sa akin.
Pakiramdam ko ay napahiya ako. Ako pala ang mali.
Pero wala akong pakialam! Muntik na niya akong banggain!
"E, lintek ka pala, e! Pano kung natuluyan mo ako, ha!" Muli kong hinampas ang lintek niyang sasakyan. Ngunit agad niya namang tinabig ang kamay ko.
"Hey, don't you dare touch my baby! Nakarami kana sa paghampas, ah."
Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Hinaplos niya ang kanyang kotse kung saan ko ito hinampas.
Muli siyang bumaling sa akin ngunit may talim na sa mga mata.
"Umalis ka nga rito! Guard, paalisin niyo nga 'tong baliw na 'to. Nakatakas yata. Ang tapang-tapang, siya naman ang may kasalanan."
Napanganga muli ako sa kanyang sinabi. Mas lalo pang kumulo ang aking dugo.
"Ah, ako? Ako pa?!" Nanlaki ang mga mata ko sa galit.
"Tsk." Hindi siya sumagot at sinamaan lang ako ng tingin. Agad siyang bumalik sa loob ng kotse.
Napatalon naman ako sa gulat ng binusinahan niya ako ng malakas. Agad akong napatalon sa gilid.
"Ayy! Bwesit ka!!!"
Agad na humarurot paalis ang kotse niya. Ngunit bago pa siya nakalayo ay nahuli ko pa talaga ang ngisi sa labi niya. I can't believe this!
"Pag nagkita ulit tayo, dudurugin ko 'yang mukha mo!" sigaw ko kahit malayo na siya.
Pinagtitinginan na tuloy ako ng maraming tao. Ayst! Sino ba kasi ang lalaking iyon?!
Pinakalma ko na lang ang aking sarili.
Okay, Caelynn. Calm down. Hindi mo kailangan magpa-stress sa lalaking 'yon. Napagdaanan mo na 'to. Kailangan, strong ka.
Ngumiti ako ng matamis.
Nakita ko naman si kuyang guard na tila nagkakataka habang nakatitig sa akin.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?"
"Okay lang ako, kuya." Matamis kong ngiti sa kanya.
Alanganin naman siyang ngumiti at tumango. Agad ko rin siyang nilampasan.
Napahawak ako ng mahigpit sa mga damit ko.
Iyon ang una naming pagkikita. Sa tuwing naiisip ko iyon ay nanggigil pa rin talaga ako!
Meron pang isa, iyong nagkita na naman kami ulit at nalaman ko na kapatid siya ni Sir Nash! At isa siya sa mga boss ko. I was like, WHAT THE HELL?!
Inilagay ko sa table ni Sir Nash ang mga documents na pi-permahan niya. First day ko ngayon bilang secretary niya.
Grabi, ang pogi naman pala ni Sir Nash, e! Lalo pag ngumingiti siya, nakakalaglag panty! Aiiieeeek!
"Bro!"
Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumigaw sa likuran ko.
"Augh! Ano ba!" Mabilis akong lumingon doon.
Agad namang sumaka ang presyon ng dugo ko nang magkatitigan kami ng lalaking kailan man ay hindi ko makakalimutan.
"Ikaw na naman?!" sabay pa naming wika.
"Anong ako na naman? Baka ikaw na naman. And what are you doing here?" inis pa niyang tanong habang nakataas ang kilay.
Mapakla akong tumawa.
"Ang pagkakataon nga naman. Talagang binigyan ako ng pagkakataon para masira ko 'yang pagmumukha mo."
"What?"
"Hali ka, pupunitin ko 'yang mukha mo!"
Agad akong lumapit sa kanya at tinangkang abutin ang kanyang mukha.
"What the-?!" Ngunit marahas niya namang tinabig ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at mas nanggigil.
"Arghh!"
At dahil hindi talaga ako makuntento hanggat hindi ko siya nasasaktan, agad akong tumalon sa kanya at sinubukang abutin ang mukha niyang pilit niyang inilalayo sa akin.
"Akin na 'yang mukha mo!"
"What the- stay away from me, you crazy woman!"
Nagpintig ang tainga ko sa sinabi niya. Ako, baliw?! Mas lalo pa niyang dinagdagan ang galit ko!
Marahas niyang tinabig ang mga kamay ko at malakas akong tinulak dahilan para malayo ako sa kanya.
Galit siyang tumitig sa akin.
"What is wrong with you?! Are you crazy?!"
"Aba't-"
Nanlaki na naman ang mga mata ko dahil sa binitawan na naman niyang salita. Nakakarami na siya!
Sisipain ko sana siya ngunit agad naman akong napahinto at na-stuck sa ere ang paa ko nang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Sir Nash.
Agad na tumaas ang kilay ni Sir Nash nang makita kami. Bukod sa na-stuck ang paa ko sa ere para sana sipain ang lalaking 'to, gusot-gusot rin ang kanyang damit.
"What is going on here?"
"Bro!"
Agad na lumapit ang lalaki sa gawi ni Sir Nash.
"Sir Nash," Nagpaawa effect naman ako.
Nakakunot ang noo ni Sir Nash habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking nasa gilid niya ngayon.
Ilang segundo rin niya kaming inobserbahan bago tumango-tango."Oh, good you've met already. Neil, this is my secretary, Caelynn. And Kaye, meet my brother, Neil."
Dumaan rin sa harapan namin ni Sir Nash at nagtungo sa kanyang table.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Kapatid siya ni Sir Nash?!
"What?!"
Nagulat naman ako nang biglang sumigaw itong lalaking nagngangalang Neil.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nagulat ako do'n, ah.
Sinamaan rin niya ako ng tingin. Aba, ayaw magpatalo!
"Is there a problem?" Tinaasan naman siya ng kilay ni Sir Nash.
"She's your secretary? How come I didn't get one?"
"Then get one."
Natameme naman siya sa sagot ni Sir Nash. 'Yan, deserved.
Bumaling rin sa akin ang nagngangalang Neil. Magkapatid pala sila ni Sir Nash. I can't believe this!
Mariin siyang nakatitig sa akin. Tinatakot pa ako.
"Who are you?"
"Bingi ka ba? Secretary nga ako ni Sir Nash."
Mas lalo namang tumalim iyong titig niya sa akin dahil sa pabalang kong sagot.
"Your name." Mariin niyang tanong.
"Ba't ko naman sasabihin ang pangalan ko?!" sigaw ko sa kanya.
Nakita ko ang paghigpit ng kanyang panga tila unti na lang ang natitira niyang pasensya
"What is going on with you two?"Nahimigan ko ang pagtataka sa boses ni Sir Nash. Ngunit hindi namin siya magawang pansinin dahil hindi na yata mapaghiwalay ang matalim naming titigan ng walanghiya niyang kapatid.
"You know what, for a woman, you have a big mouth. You have no respect. Hindi mo yata ako kilala. I am your boss. I own this company your stepping in, and I own you too, now that you are in my property. Tse, tingnan na lang natin kung magtatagal ka rito."
Natulala ako sa mga binitawan niyang salita.
Pagkatapos ng sinabi niya na 'yon na hindi ko pa rin nakalimutan, umalis rin siya.
Simula rin no'n, medyo nagpigil na ako ng bibig. Hindi naman kami palaging nagkikita at nag-uusap.
Iniiwasan ko rin siya dahil nabi-bwisit talaga ako sa pagmumukha niya.
Tapos nitong mga nakaraang araw lang, muli siyang nag-approach sa'kin. Inuutos-utusan niya na ako.
Well, at first syempre sinusunod ko siya. Pero umaabuso, e. Humihingi na nga ng tulong, pinapagalitan pa ako!
Kaya napuno na talaga ako sa kanya at bumalik ang inis sa dibdib ko na matagal na panahon kong pinakalma.
Tapos ngayon...ito ang ginawa niya sa akin. Siya pa lang ang unang lalaking nakapangahas na gawin ito sa akin.
Siguro, dati na siyang may pagnanasa sa'kin.
Hindi na siguro niya mapigilan ang kanyang kamanyakan kaya nagawa niya ito sa akin.
Akala niya siguro na pabaya akong babae! Hinding-hindi ako papatol sa kanya, no!
"Will you please stop sobbing. It's annoying. Wala naman akong ginawa sa'yo."
Muling tumalim ang mga titig ko sa kanya. Kalalabas niya lang galing banyo. Naka-robe na rin siya. Basa iyong buhok niya at kinukoskos niya ito gamit ang tuwalya.
Sinundan ko siya nang tingin. Umupo siya sa kama. Huminga pa siya ng malalim bago lumingon sa akin.
"I didn't do anything to you. Ikaw ang kusang naghubad ng mga damit mo."
"Ano?!"
"Bingi?"
Mabilis akong tumayo.
"Kaya sinamantala mo! At bakit ako nandito, ha! Nasaan ba ako?!"
"Tsk."
Yumukod siya at kinuha ang wallet niyang nasa sahig. May nilabas siya doong barya. Bilyonaryo ba talaga 'to?
"Yan, umalis kana." Marahas pa niyang nilapag sa kama ang mga barya.
"Ano 'yan, suhol?!"
"Pamasahe mo. Get out of here! Naririndi na ako sa bunganga mo!" Agad siyang tumayo at tumalikod.
Dali-dali naman akong lumapit sa kama at kinuha ang mga barya. Limang barya ito na bawat isa ay sampung piso. Ano ba itong lalaking ito!
Mabilis akong lumingon sa kanya. Nakatayo siya sa may closet at naghahanap ng damit.
Nakita ko naman ang unan na nasa sahig. Dinampot ko ito at malakas na binato sa kanya.
"Ouch! What the hell?!" Mabilis siyang humarap at galit na tumitig sa akin.
"Kulang pa 'yan! Sa susunod 'yang lamp shade mo na ang itatapon ko sa ulo mo!" Mabilis akong nagmartsa palabas ng kwarto niya.
"What the-?"
***
Mabilis akong nagbihis sa loob ng banyo. Buti at may banyo siya na malapit sa sala.
Lumabas rin ako pagkatapos kong magbihis at pumunta sa sala.
Nalipat namang muli ang paningin ko sa kanyang silid. Nakabukas ang pinto ng silid niya kaya malaya ko siyang nakikita sa loob.
Nakapagdamit-bahay na siya at nakaupo sa kama. Sapo niya ang kanyang ulo, tila malalim ang iniisip.
'Yan! Siguro ay nagsisisi na siya sa ginawa niya.
Muli namang bumalot ang inis sa katawan ko. May gusto muna akong marinig sa kanya bago ako umalis.
Hindi ko pa rin inalis ang mga mata ko sa kanya.
Napansin niya naman ako at agad na tumalim ang kanyang mga mata na siyang nagpanganga sa akin. Siya pa itong galit!
"What are you still doing here? I thought you don't like it here." inis niyang turan.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan.
"Wala ka bang peace offering dyan? Kahit pagkain lang. Baka mapatawad pa kita. Malay mo, di' ba. "
"Patay gutom lang?" Nagpintig na naman ang tainga ko sa narinig.
"Walanghiya ka! Bastos ka talaga!"
Nginisihan niya naman ako bago tumayo at malakas na isinarado ang pinto.
"Agghh!" napasigaw ako sa inis. Walanghiya siya!
Nagugutom na ako! Baka tuluyan na talaga kong mabaliw nito!