Agad na rin akong umalis sa condo ng lalaking iyon. Dinala pa niya ako sa condo niya!
Pumara na ako ng taxi at agad na pumasok sa loob. Padabog akong umupo. Hanggang ngayon, na bi-bwesit pa rin ako sa lalaking 'yon!
"Mandayulong po tayo, kuya."
Agad rin namang pinaharurot ni kuyang driver ang taxi.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kanina, at mukhang maayos naman ako. Wala namang mahapdi. Virgin pa rin ako.
Napahinga na lang ako ng malalim.
Ayaw ko nang ma-stress pa. Ang mahalaga sa akin ay virgin pa ako. 'Yon lang. Hinding-hindi na talaga siya makakaulit pa.
Ilang minuto rin ako sa biyahe bago nakarating sa inuupahan kong apartment sa Mandaluyong.
Mabilis kong kinuha ang susi ng pinto at sinaksak sa doorknob. Ngunit natigilan ako nang pagpihit ko rito ay hindi na ito nakalock.
Agad na nanlaki ang mga mata ko at binalot ako ng kaba. Oh, my god. Pinasok ba ng magnanakaw ang apartment ko? Baka ang Neil na naman na iyon ang may kagagawan nito! Ayaw niya talaga akong tigilan!
Dahan-dahan kong inikot ang doorknob para buksan ito. Una kong pinasok ang ulo ko at luminga sa paligid.
"Pumasok kana. Mukha kang akyat-bahay sa sarili mong bahay."
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang taong prenteng naka-upo sa sofa. Parang donya lang, ah! at napanganga naman ako sa sinabi niyang iyon.
Lumuwag naman ang pakiramdam ko . Akala ko magnanakaw, e. Ako naman pala itong mukhang magnanakaw.
"Nay?" Agad na sumilip ang ngiti sa aking labi. Tuluyan na rin akong pumasok sa loob.
"Ano pong ginawa mo rito? At paano niyo po nalaman ang lugar ko?"
Hindi siya agad sumagot. Napangiwi naman ako dahil seryoso siyang nakatitig sa akin na parang may nagawa akong kasalanan.
"Tuluyan mo na talagang kinalimutan ang totoo mong pagkatao."
Agad akong napasimangot sa sinabing iyon ni Nanay.
Siya si Nanay Mae. Siya ang nag-aalaga sa amin ng mga kuya ko noong mga makukulit na bata pa lamang kami.
I believe, she is now fourty five years old, and I'm so happy to see her well and still kicking. Matagal na rin siyang nagsisilbi sa amin. We also call her our virgin nanny. Virgin daw siya, e. It was meant as a joke but nanny likes it kaya naging nickname na rin namin sa kanya iyon.
Ano kayang ginawa niya rito? Simula kasi noong dumating ako sa Pinas ay ngayon pa lang kami nagkita ulit. Pinutol ko kasi ang ugnayan ko sa kanila noong tumakas ako sa States to Philippines.
Paano niya kaya nahanap itong tirahan ko? Matagal na kaya nilang alam na dito ako nakatira? Pero basi na rin sa haba ng panahon, I'm sure they knew.
"Kailangan mo nang umuwi. Babalik na ang mga magulang mo sa Pilipinas."
Muling nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Uuwi sila?!
"Ano?! Hindi pwede!" Frustrated kong sigaw.
"Anong hindi pwede? Pagmamay-ari mo ba ang Pinas?"
"Nanay naman. Hindi sila pwedeng umuwi! Kukulitin na naman ako ng mga 'yon!"
"Hanggang kilan kaba titigil sa mga kalokohan mo?"
"Nanay naman, e. Hindi po kalokohan ang ginagawa ko. Nagsusumikap po akong mabuhay para sa sarili ko. And I wanted to feel freedom for myself. Lokohan ba 'yon?" busangot kong paliwanag kay Nanay Mae.
Umiling naman siya. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Caelynn Leah, alam mo naman ang totoo mong pagkatao. Hindi ito ang buhay mo. "
"Masaya po ako sa buhay ko." Simangot ko pa ring turan.
"Hays, ikaw'ng bata ka talaga. Namiss mo man lang ba ako? " Nagsimula na rin siyang ngumiti. Napangiti na rin ako.
"Oo naman po." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss ko talaga sila.
"Matagal na panahon ka nang naglayas. Bumalik kana sa atin. Hindi lang ako ang nangungulila sayo, pati na rin ang mga magulang mo."
"Pag-iisipan ko po."
Sandali naman siyang tumitig sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi bago huminga ng malalim.
"Oh, s'ya. Maiwan na kita." Nilampasan niya na ako. Humabol naman ako ng tingin sa kanya.
"Aalis na po kayo?"
"Oo, anak. Inutusan lang ako ng ama mo para puntahan ka at kamustahin. Mukhang maayos ka naman at itong tinitirhan mo." Sandali pa siyang luminga sa paligid.
Tumango na rin ako sa kanya at ngumiti.
"Mag-iingat po kayo, nay."
"Ikaw rin. "
Tuluyan na ring siyang umalis.
Tinanaw ko siya rito sa second floor kung saan ang apartment ko. Kasama niya pala si manong Nonoy. Ang driver namin. May something kaya sa dalawang 'yan dati. Pero hindi na sila magki-click pa dahil matatanda na sila. Pero magagawan pa naman 'yan ng paraan. Eeieikk.
Pumasok na rin ako sa loob.
Hindi ko alam kung uuwi ba ako sa,min. Matagal na panahon na rin akong hindi nakauwi. E, ayaw ko ngang umuwi!
Makapag-asikaso na nga lang ng sarili. May pasok pa ako.
**
Nakarating na rin ako sa opisina. May dala-dala akong coffee. Ito na kasi ang nakasanayan kong gawin tuwing pumapasok ako. Dinadalhan ko ng coffee si Sir Nash kahit hindi niya pinag-uutos. Well, mukhang nasanay na rin naman siya.
Pambawi ko na rin 'to sa kanya. Binibigyan niya kasi ako ng sweets, e. Napansin niya kasi na palagi akong kumakain ng matatamis.
Ang sweet nga ni Sir Nash. Kaya crush ko 'yon, e! Pero hanggang crush lang, ah. Wala akong ibang hidden feelings sa kanya. Parang kuya ko lang siya. Nakikita ko rin kasi sa kanya ang tatlo kong sweet at masusungit kong mga kuya.
Ang ganyang klase ng ugali ng tao ang hinahanap ko, hindi katulad ng Neil na iyon! Nasobrahan sa pagiging arogante!
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Nakita ko agad si Sir Nash sa table niya na abalang nakatutok sa laptop. Ngumiti ako nang tamis bago tuluyang pumasok.
"Good morning po, Sir Nash!" magiliw kong bati.
Sandali siyang tumingala at huminga siya ng malalim.
"Morning. "
Napangiwi ako sa walang gana niyang bati. Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Ang cold naman nito.
"Mukhang bad po ang morning ninyo."
Muli siyang huminga ng malalim. Lumapit na rin ako sa table niya.
"Okay lang po ba kayo?" Inilapag ko na rin ang coffee sa table.
"Yea. Just ready the report for this noon."
"Yes po, sir."
Tatalikod na sana ako nang nakita ko namang may kinuha siya sa drawer niya.
Muling lumawak ang ngiti sa labi ko nang ilabas niya doon ang nagkumpulang sweets. Chocolates!
"Here you go."
"Thank you po, sir!"
Mabilis ko itong kinuha. Kinikilig na naman ako! Eeeiik!
Iniwan ko na rin si Sir Nash sa office niya. Busy rin kasi siya at mukhang bad mood.
***
Habang inaayos ko ang presentation para mamaya ay lumalamon naman ako ng chocolates.
Mahilig talaga ako sa sweets. Hindi kompleto ang araw ko kapang hindi ako nakakakain ng matamis.
Lumalamon din ako ng pasta. Hindi na kasi ako kumain sa bahay at dumiretso na sa office.
Natigil ako sa pagsubo nang makaramdam ako ng presensya ng isang lalaki. Nakilala ko agad ito dahil nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko.
Tumingala ako at agad na tumalim ang mga mata ko sa lalaking ngayon ay mariin na ring nakatitig sa akin at dahan-dahan na ring lumalapit sa aking gawi.
"Binabayaran kaba rito para kumain nang kumain?"
Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi niya. Parang gusto kong isubo sa kanya itong plastic ng chocalates. Bastos talaga.
Bumaba rin ang paningin niya. Tumalim naman bigla ang mga mata niya.
"And what is that? chocolates?"
"Paki mo ba? At isa pa, inaano ba kita? Wala naman akong ginagawa sayo. Nananahimik ako rito."
Lumapit siya sa table ko at padabog na nilagay ang kanyang mga kamay. Walanghiya talaga!
"The problem is, hindi ka binabayaran namin para lumamon nang lumamon dito. And who gave you those chocolates, ha? May nanliligaw na ba sa'yo dito?"
Sarkastiko naman akong ngumisi habang nakatitig sa kanya.
"Ang dami mong sinasabi." Agad ko siyang nilakihan ng mata.
Nagulat naman ako nang marahas niyang dinampot ang plastic ng chocolates.
"Ano ba! akin na 'yan! "
Agad akong napatayo at madaling lumapit sa kanya. Itinaas niya sa ere ang chocolates ko!
"Ano ba!"
Dahil matangkad siya ay hindi ko ito maabot kahit anong lukso ang gawin ko.
Bumaling ako sa kanya para bigyan sana siya ng nakakamatay na titig, ngunit napahinto naman ako dahil mas nag-aapoy pa iyong mga mata niya kesa sa'kin!
Galit na galit lang? Problema ba niya?!
"Ibalik mo sa akin 'yan!" sigaw ko sa kanyang mukha.
"No! Tell me who give you this first!" balik niya ring sigaw na siyang nagpalaki ng aking mata.
"Ano bang pakialam mo?! Akin na 'yan!" Mahina kong hinampas ang kanyang dibdib.
Ngunit hindi pa rin siya natinag at mas lalo pang dumilim ang kanyang anyo.
"Ayaw mo?" Pagbabanta ko na sa kanya. Ni hindi man lang kumurap ang kanyang mga mata.
"Argh!" Agad kong sinipa ng malakas ang kanyang paa dahilan ng pag-impit niya sa sakit at pagbaba niya ng chocolates ko. Mabilis kong itong hinablot sa kanya.
"You b***h!" Tangka niya sana akong sugurin ngunit agad ko namang tinaas sa ere ang aking paa dahilan ng paghinto niya.
"Sige lumapit ka, sisipain ko 'yang itlog mo!"
"What on earth is going on with you two?" Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Sir Nash. Oh, my savior!
Patakbo akong lumapit sa gawi ni Sir Nash at nagtago sa kanyang likuran.
"Sir!" Umakting akong umiiyak. Sandali naman akong tiningnan ni Sir Nash bago bumaling sa kapatid niya.
"Again Neil?"
Napatitig naman ako sa walanghiya na mariing nakatitig sa akin.
"She started it!" sigaw pa nito. Aba't walanghiya talaga!
"Anong ako?!" Balik kong sigaw sa kanya.
"Sir, kinuha niya po kasi itong chocolates ko." Sumbong at paawa effect ko naman kay Sir Nash. Sinabayan ko pa nang hikbing.
"Just who the hell gave you that f*****g chocolates?!" Napangiwi ako nang makita ang mukha niyang namumula na sa galit. Bakit ba galit na galit siya?!
"I give her that chocolates." sagot naman ni Si Nash.
Nakita ko ang agad na paghinto ng walanghiyang lalaki.
"What? Why?!"
"Why the sudden interest now? I always gave her chocolates."
Hindi naman nakasagot ang palengkerong lalaki. Oo. Kung ang babae palengkera, siya palengkero. Walang ka-class-class! Lalaki ba talaga siya?! Parang inaano ko siya, e wala nga akong ginagawa sa kanya!
"You two are stressing me out." Kita kong paghilot ni Sir Nash sa kanyang sentido.
Napatitig naman akong muli sa lalaki. Hindi talaga mawala-wala ang talim sa mga titig niya sa akin.
Nginisihan ko naman s'ya. Itinaas ko ang aking kamay at tinaasan ko siya ng gitna kong daliri.
Agad siyang nagnganga at tila hindi makapaniwala.
Kung naiinis ako sa kanya kanina, ngayon naman ay parang gumaan ang pakiramdam ko at natutuwa sa reaksyong nakikita ko sa kanyang mukha.
Agad ko namang binaba ang kamay ko nang bahagyang lumingon si Sir Nash. Nagpaawa effect ulit ako na parang aso.
Napahinga naman ng malalim si Sir Nash at napailing.
"Neil, I need to talk to you about something."
Naintriga naman ako sa tinuran ni Sir Nash.
"What?"
"Something I discover."
Kita ko naman ang pagtango-tango ng palengkerong lalaki.
"I'll be back later. " Baling sa akin ni Sir Nash na siyang tinanguan ko.
Nauna na rin siyang lumakad. At bago pa tumalikod itong isa ay sinamaan niya na naman ako ng tingin.
Tinaasan ko naman siya muli ng gitnang daliri na siyang lalong nagpadilim sa kanyang anyo.
Napangisi na lamang ako. Tuluyan na rin siyang umalis at pumasok ng elevator.
Ewan ko talaga sa lalaking 'yon. Wala naman kasi dito ang office no'n, kundi nasa baba. Gusto niya lang talaga akong asarin.
Muli akong umupo at napahinga ng malalim. Niligpit ko na lamang ang pinagkainan ko. Wala na rin akong ganang kumain. Bwesit na lalaking 'yon.
I-cheneck ko na lamang ang mga schedule ni Si Nash para mamaya. May meeting kasi siya mamayang 12 noon to 1 p.m, then the rest are him signing papers.
Ni-check ko na rin ang mga meetings pa niya sa susunod na araw.
Ngunit agad namang nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong pamilyar na apelyedong I-me-meet ni Sir Nash next week.
Oh, no. This can't be!