CHAPTER 4 : Hurt

1772 Words
Agad akong napainom ng tubig. Ito ba ang dahilan kung bakit sila uuwi?! Hindi pwede! Wait. Alam ba nilang dito ako nagtatrabaho?! Nooo!!! Mabilis akong tumayo at tumakbo. Kailangan ko yata ng kape! "Caelynn!" Nakita ko si Nessa, pero hindi ko siya pinansin at patuloy lamang sa pagtakbo. Hindi sila pwedeng umuwi! Nakalabas rin ako ng building at patakbong tumawid para magtungo sa coffee shop na nasa kabilang kanto. Mabilis akong pumasok sa loob nang makarating. "Hi, Caelynn!" Bumungad naman sa akin ang kaibigan kong si Bell. Mabilis ko siyang nilapitan. "Kailangan ko ng kape!" "What? Stress ka na naman ba?" "I need coffee!" "Okay, okay!" Mabilis akong nagtungo sa may window seat. Huminga ako ng malalim. "Ba't tubig to?!" reklamo ko kay Bell. Nagulat pa ako nang padabog niyang nilapag ito sa lamesa. Umupo rin siya sa tabi ko. "Inumin mo na 'yan. Ano bang nangyare sayo?" Binuksan ko naman kaagad ang water bottle at kaagad itong nilaklak sa bibig ko. "Uuwi na sila," turan ko. "Who?" "Sila mommy!" Napataas ako ng boses sa sobrang frustration. "Oh, well, that's good news!" Tuwa niya namang sagot. "Hindi sila pwedeng umuwi!" "At bakit hindi?" Tinasaan niya ako ng kilay. Nag-iwas ako nang tingin at bumusangot. "Baka tuluyan na akong ipakasal ng mga iyon." "What?" "Ipapakasal ako ng mga 'yon, kaya nga tumakas ako!" "Oh, now I know. Ang tagal mong ni-lihim sa akin 'yan, ah." Napahinga ako ng malalim. Wala ibang nakakaalam sa pagkatao ko maliban sa kanya. I've know Bell since nagsimula akong magtrabaho bilang secretary ni Sir Nash. Naging kaibigan ko siya noong unang beses akong pumunta rito para magkape. E, madaldal rin siya kaya kaagad akong napalapit sa kanya. Alam niyang naglayas ako pero hindi ko sinasabi sa kanya ang totoong dahilan nang paglalayas ko dahil hindi naman kasi ako sure kung tama 'yong narinig ko. Narinig ko kasi si mommy at daddy na nag-uusap. May nakita raw silang perfect match sa akin na lalaki at ipapakasal nila sa akin. Sa mga panahon na iyon ay pagala-gala lang ako. Kakatapos ko lang din gumradute no'n. Kaya noong nalaman ko na gano'n ang gusto nila, kaagad akong naglayas. E' ayaw kong matali, e. At isa pa, 20 years old pa lang ako no'n at gusto ko pang ma-enjoy ang buhay ko. So, I fly back here in the Philippines with the help of one of my kuya. Si Kuya Leo. Si kuya Leo ko lang ang tumulong sa akin para makatakas. Siya lang rin naman itong mapagkakatiwalaan ko sa mga secrets ko, and he is my best kuya. After I arrived here in the Philippnes, kaagad akong naghanap ng matitirhan ko. Kuya said to use his condo, but I declined. May condo rin naman ako dito na binigay sa akin nila mommy at daddy noong nag 18 years old ako. Dapat daw kasi independant na ako, pero bini-baby pa rin ako! Bunso kasi sa pagkakapatid, which I find very annoying, dahil feeling ko bawat kilos ko ay kontrolado nila! Still, with the help of my kuya, nakahanap ako ng apartment ko, which is comfort zone ko ngayon. Naghanap kaagad ako ng trabaho bilang secretary. Hindi ko naman first time ang magtrabaho. Nakapagtrabaho na ako dati, kung saan ko nakilala ang lalaking first love ko. Pero niloko niya ako dahil babaero siya! E, kung sino-sino lang pala ang babae no'n, e. Sinabunutan ko pa nga ang babae no'n. Nasaktan kaya ako. Walanghiya sila. Pero wala namang kami no'n. Hindi rin ako nagtagal sa trabahong iyon bilang server sa resto dahil noong nalaman ni mommy na nagpart-time ako sa low class raw na resto ay kaagad niya akong pinasisante. Hindi raw kasi ako nababagay sa gano'n ka cheap na lugar. Hayst! For experience sana 'yon, e! Iyong second job ko naman ay noong nagkarenderya ako at naglilinis, which is dito na sa Pilipinas. Pero nagtagal lang ako ng ilang linggo at nasisante rin. Kung kilan pa ako natuto magtrabaho doon pa ako sinisante. And then, I found a job that is suitable for my character. Until today, I work hard para sa pagdating nang hinaharap ay maipagmalaki ko ang sarili at masasabi ko na kaya ko ang sarili kahit wala sila. Kahit wala ang pera nila. Kahit si Sir Nash ay hindi alam ang totoo kong pagkatao. I mean, hindi fake ang pinasa kong documents ko noong nag-apply ako, ah. I also asked kuya if he could do something to hide my identity. Mukhang isa rin 'yon sa naging dahilan kaya malaya kong naitago ang sarili ko. At ngayon, mukhang may plano silang magbusiness to bussiness sa company ng mga Smith. Sa hinaba-haba ng panahon, imposibleng hindi nila alam kong nasaan ako ngayon, and why they let me do whatever I want in my life today. Maybe they are planning something again. "Ilang taon kana ba ngayon?" tanong sa akin ni Bell. "Twenty five." "Oh, pwede na 'yan girl." Mahina pa nitong tawa. "E, ayaw ko nga! Gusto kong mag-enjoy muna." "Nag-enjoy ka naman ba for these past four years? " "Oo naman. I was able to experience working. I was able to budget my money, pay for rent, and eat whatever I wanted. I mean,...I'm doing so well, and I was able to do the things na noon ay hindi ko naranasan. And then, uuwi sila bigla at bubulabugin na naman ako ng mga iyon, and they will set boundaries to me again." "Sounds so stressful. " Napahinga ako muli ng malalim. Stressful talaga. "Bakit ba kasi sa mayayaman, gustong-gusto nila sa fixed marriage. Oh, siya, maiwan na kita dyan. Wala akong maitutulong sayo. Usapang pamilya 'yan at ikaw lang ang makakaresolba dyan. Ang advice ko lang, 'wag kang magpastress, buti nga 'yon at magkikita na ulit kayo ng mga magulang mo. Hoy, babae may mga anak ring nangungulila sa mga magulang. At apat na taon ka na nilang hindi nakikita, kaya magpakita ka na sa kanila. Mukhang hindi ka na rin naman i-pi-presure ng mga 'yon. " Tuluyan na rin siyang umalis. Napapikit ako at napahinga muli ng malalim. Next week pa naman yata sila uuwi. *** Bumalik na rin ako sa office. Dumeritso na ako sa meeting room at kaagad rin naman silang nagsimula. They talk about business strategy and its renevue. Umabot rin ng isang oras bago natapos ang meeting nila. Nauna na rin akong lumabas dahil magme-meeting pa silang mga board members. Ang pinagtatakahan ko lang ay wala si Neil doon. Ano na kayang nangyare sa lalaking 'yon. Inayos ko na lamang ang mga paper works ni Sir Nash. Inilagay ko rin ang mga documents na kailangan niyang basahin at permahan. "Hi," Mabilis akong napalingon nang may marinig akong boses. Napangiti ako nang makilala siya. Si Ma'am Kara pala. Ang asawa ni Sir Nash. "Ma'am, Kara. Hello po." "Si Nash?" "Nasa meeting pa po si Sir Nash, hintayin niyo na lang po. " "I see. Thank you, Caelynn." Lumapit siya sa sofa at umupo doon. Napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko mapigilang hangaan ang kagandahan niya. Sobrang puti ng kanyang kutis, wavey ang kanyang buhok, maganda rin ang kanyang mga mata. Kumunot ang aking noo. Parang nakilala ko na siya. Pamilyar siya sa akin. Napangiti akong muli. Napalingon naman siyang muli sa akin. "May problema ba?" "Naaalala na po kita," Ngumiti naman siyang muli. "Nagkita na ba tayo noon?" "Opo. Noong nag-apply po ako dito. Nagkasabay po tayo noon sa elevator. Hindi ko po alam na ikaw pala ang asawa ni Sir Nash. Ang bait po ni Sir Nash, ma'am Kara, pero nagbago po siya noong nabalitan kong namatay ang asawa niya. Palagi po siyang nagagalit halos magpakamatay na sa alak pero noong dumating po kayo, hindi na po siya nagbabasag ng alak. " Kita ko naman ang pait na pagngiti niya. Napa-make face naman ako. Tsk, wala talagang preno. Pero hindi ko kasi makalimutan ang mga araw kung saan palaging umiiyak si Sir Nash. Naglalasing at binabasag ang mga boteng alak. Unang beses pa lamang akong nakakita ng lalaking umiyak dahil sa babae. Nakakainit ng puso. Sa kabila, nakakalungkot din. Alam kong sobrang nasaktan si Sir Nash. Pero ngayong bumalik na ang asawa niya ay muli na ring bumalik ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Ngunit kanina lang, mukhang may problema yata sila? Mapait akong ngumiti sa aking sarili. Ang swerte niya dahil mahal na mahal siya ni Sir Nash. Minsan naisip ko, may lalaki rin kayang magmamahal sa akin tulad ng pagmamahal ni Sir Nash sa kanyang asawa? Kahit kamukha lang ni Sir Nash ang mapangasawa ko. Ang pogi niya kasi pag ngumiti siya, hindi katulad ng kapatid niyang palaging nakasimangot. Pero pogi rin naman ang palengkerong lalaking 'yon. Sa totoo lang, hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya dahil palagi niya akong inaaway. Pero pogi siya. Okay na rin. Ayst! Ano ba 'yang pinag-iisip mo, Caelynn! "I see." Ngumiti akong muli kay Ma'am Kara. "Sige po, ma'am. Alis na po ako. " Tumango naman siya. "Caelynn!" Nangunot naman ang noo ko nang marinig ko ang nangingibabaw na boses ni Neil. Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad kaagad sa akin ang sobrang dilim niyang anyo. Ano na naman ba ang gusto nito? Napaismid ako at hindi nagpadala sa init ng ulo. "Oh, ano na naman?" "I looked everywhere for you!" Frustrated niyang wika na siyang nagpaismid na naman sa akin. "At bakit mo naman ako hinahanap?" Mataray ko namang tanong. Sandali siyang napahinto tila naghahanap nang idadahilan. "Linisan mo ang office ko." Mariin niyang turan. Nangunot ang noo ko at kaagad ring natawa. "Huh? Ano ka sinuswerte? Taga-linis mo ako? Mukha ba akong taga-linis mo?!" Tumaas na ang boses ko at pinanlakihan siya ng mata. Mas lalong namang dumilim ang kanyang anyo. Nagsimula na ring tumalim ang aking mata nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Do what I say or else..." Sandali akong napalunok dahil sobrang lapit na nang aming mukha sa isa't isa. Ramdam ko na rin ang mainit na buga ng kanyang hininga. "A-Ano? Anong gagawin mo, ha?! Gagawin mo na naman ang ginawa mo sa akin, ha?! Manyakis ka talaga!" Kaagad ko siyang tinulak. "Get out of here and go to my office. Now!" sigaw niyang muli. Bwesit nakakabingi talaga siya! "Mamamatay muna ako bago ako papasok sa office mo! Hindi mo ako taga-linis!" Mabilis ako nagmartsa palabas. Walanghiya talaga siya! Kaagad kong pinunasan ang munting luha na kumawala sa aking mata. Siya lang ang lalaking nagagawa akong sigawan. Akala ba niya ay hindi ako nasasaktan?! Ano bang ginawa kong masama sa kanya?! Mabait naman ako, ah! Akala niya naman ay hindi ko siya papatulan sa walang kahiyaan niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD