Hindi na matanggal-tanggal pa ang ngiti sa aking labi. Hindi na ako nagtanong pa at nagsalo ulit kami ng smack na kiss. Sapat na sa akin ang sinabi niyang iyon para maintindihan ko ang nararamdaman niya para sa akin. Na-o-overwhelm ako. Sino ba namang hindi. Hindi ko inasahan na magkakaroon kami ng label. Siya pa naman ang most hated person ko. Pero ito kami ngayon, nagkukuskusan ng balat, sabay pang naliligo. Sobrang bilis lang nang mga pangyayare. Parang kilan lang ay nagbabangayan kami. Mapaglarong tadhana nga naman. Kung sigurado na siya sa nararamdaman niya para sa akin, dapat maging sigurado na rin ako sa kanya. I mean, hindi naman ako nagdadalawang-isip tungkol sa kanya, ginusto ko naman ang lahat na nangyare sa amin. Nakaka-init lang ng puso. "You have a nice bathroom by the

