Umuwi na rin ako sa bahay. Takip-silim na nang makauwi ako. Nagpatulong ako kay manong driver na i-akyat ang mga dala ko. Agad ko na siyang binayaran at umalis na rin siya. Kinuha ko muna ang aking susi. Ni-lock ko kasi si Jr. sa loob. Habang hinahanap ang susi ko ay sandali naman akong napalingon sa baba at sa unahan. Nangunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na kotse na nakapark doon. Dumating naba si Neil? Agad kong pinihit ang sintadura at bumukas nga ang pinto. "Arf! Arf!" Agad kong narinig ang tahol ni Jr pagkabukas ko ng pinto. Lumingon rin naman ang magaling na lalaking, prenteng nakaupo sa may sofa. Nasa lap niya naman si Jr na ngayon at nakatitig sa akin. Naka-on pa rin ang tv. Mukhang nanonood sila ng movie kanina. "Where have you been?" taas-kilay na tanong ni Neil

