Kinabukasan ay sabay na naman kaming pumasok ni Neil sa office. Nagtampo-tampohan nga siya kagabi. Napaka-imature talaga. Humabol pa raw ako ng tingin do'n sa lalaki, e, hindi ko nga kilala 'yon! Kaya ayon. Pinakagat ko siya kay Jr. Selos, selos pa, e. Sabi pa niya, sa kanya lang daw ako dapat nakatingin. Napaka-feelingero talaga. MABILIS lang lumipas ang mga oras. Hindi ko na nga namalayan na alas singko na nang hapon. Madami rin kasi akong ginawa. Hindi pa nga tapos itong mga paper works na binabasa ko. "Caelynn." Napalingon ako kay Sir Nash na kalalabas lang ng office niya. Dala niya iyong bag niya. Aalis na yata siya. "Sir?" "Fix my schedule for tonight. May family dinner kami. " "Sure po, sir. Aalis na po ba kayo?" "Yes. See you tommorow and wish me luck." "Goodluck, sir!

