WARNING: SPG _______ Tahimik kaming dalawa ni Juade. Nasa labas pa rin kami ng bahay namin. Nakaupo ako sa kaniyang hita at nakasandal sa kaniyang likod. Namiss ko ang amoy niya pucha. Hindi ko tuloy alam kung paglilihi ba ito o talagang attach ako sa kaniya. "Sorry at wala akong respond sa mga text mo" ani ni Juade sa gitna ng katahimikan naming dalawa. I'm already calm. Ramdam ko pa rin ang mga tuyong luha sa aking mata. "Okay lang. Alam ko namang galit ka sa akin" "I am. I'm so angry that I can't face you or talk to you. I don't want to hurt you" Pumihit ako paharap sa kaniya. Panay naman ang alalay ni Juade sa pag-ikot ko dahil baka ako mahulog. Sinapo ko ang pisngi niya. "Sorry." Iyon na lang muli ang nasabi ko. Malambot niya akong tiningnan. "Sorry too. Hindi na ka

