Fely's POV... Pinauwi na kaagad kami ng doctor after na malaman na wala namang nangyari sa dinadala ko. Nag-uusap kami ni Cheena. Panay ang plano niya about sa bata. Siya daw ang ninang, dapat daw may gender reveal gano'n. Nagalit din siya na si James ang ama ng dinadala ko. She suggested to confront James pero ako na ang nagpigil. Baka biglang magulat 'yon at magtaka kung paano kami nagkaanak eh hindi naman kami nag-s*x. Kapansin-pansin naman ang pananahimik ni Juade. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin. Nafufrustrate ako sa kaniyang mag action ngayon pero ako naman ang may kasalanan. Hindi rin ako makahanap ng tiyempo para kausapin siya. Sumapit ang gabi at nanatili kami sa hotel at hindi na lumabas. As usual ay kalat kalat pa rin ang dekorasyon na inihanda ni Cheena.

