HANNA APRIL BRILLENTE “Then, ngayon pa lang, let’s end this. Our marriage.” End? Napatitig ako sa kaniya. End. Paulit-ulit nag-play sa utak ko ang salitang ‘yon. End. Ano ba’ng mayro’n sa past niya na ayaw niyang sabihin? Ano’ng mayroon at kailangan niya pang bantaan ang pagsasama namin? I looked into his eyes. Sinamantala ko ang pagkakataong nakatitig din siya sa ‘kin. Sinubukan kong hanapin sa mga mata niya ang sagot sa mga tanong ko. But his eyes, those eyes hide everything. Parang mayroong nakaharang na malaki at makapal na wall sa mga mata niya na nagsisilbing bakod para hindi ko siya mabasa. “End?” mahina kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Itinuon ko na lamang ang mga mata ko sa dibdib niya. Saglit kaming nanatiling tahimik bago ako muling magsalita. “Ako rin, Gino. M

