Fourteen years ago… GINO’s POV “Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko! Layaaas!” Ipinagtutulakan ako ni mommy palabas sa bahay habang pareho kaming umiiyak. Pero mas malakas ang iyak niya. Hagulgol. Dahil kauuwi lang namin galing sa libing ni Bronson. Bunso kong kapatid. At naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. Dahil ako ang dahilan kaya nawala ang anak niya. Ang kapatid ko. Hindi pa nila ako pinapayagang mag-drive dahil wala pa akong lisensya. Wala rin sa tamang edad dahil seventeen years old pa lang ako. Pero ginamit ko ang isang sasakyan sa bahay para dalhin sa ospital si Bronson dahil masakit daw ang tiyan niya. Umiiyak siya, nagpapawis at namimilipit sa sakit. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko o kung ano’ng gamot ang ipapainom sa kaniya. Sinubukan kong tawagan si

