GINO’s POV KANDONG ko si Rain habang kumakain siya ng pancake. Nasa sala kami at magkakaharap nila Jake at Phoenix. Si Thunder naman, pinasok ko muna kanina sa kwarto. Tinatahulan kasi niya ang mga bisita ko dahil hindi naman niya kilala. Natutuwa ako dahil hindi na natatakot sa ‘kin ang dalawang bata, lalo na ang anak ko. Si Kia rin ay lumapit na sa ‘kin kanina nu’ng inutusan siya ni Jake na magmano sa ‘kin. Pero hindi ko pa rin alam kung paano makikipag-communicate sa anak ko. Hindi pa kasi siya marunong bumasa. Sa pagkakatanda ko, sabi ni Hanna sa ‘kin sa chat noong mga nakakaraang buwan, kahit papa’no raw natatandaan na ni Rain ang ibang alphabet. Nakakanta na niya ang A to Z kahit pabulol, pero sa kalagitnaan ay nagkakapalit-palit pa minsan. Hindi ko tuloy alam kung paano makikipa

