HANNA’s POV “Bye po, tita,” sabay naming sabi ni Kim at kumaway pa sa mommy ni Jake habang palabas na sila sa bahay nila Phoenix. Kasama nito ang daddy ni Jake. Hindi sila masyadong nagtagal. After ng dinner ay nagpaalam na rin agad sila. Gano’n din ang ate ni Pheonix—si Ate Sophie. Si MJ naman o mas kilala na ngayon sa tawag na Joseph—na pinsan ni Gino—ay hindi nakarating dahil kasama siya sa out-of-town ng tita nilang doctor. Si Grey naman ay nagsabi raw kay Phoenix na male-late siya ng dating. Literal na late dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Pero okay lang. Mas pabor ako ro'n dahil alam kong hindi maganda ang huling encounter namin sa bahay noong naabutan siya roon ni Gino. “Shot puno na!” malakas na sabi ni Kim oras na kami na lamang ang natira sa loob. Ako, si Gino, si

