HANNA’s POV DAHIL sa nangyaring confrontation noong birthday ni Phoenix, mas lalo siyang naging cold sa ‘kin. Not totally cold. I mean, lagi niya akong pinagagalitan sa group chat namin nila Kim dahil sa katangahan ko. Kaya kung mangyayari man daw sa susunod na lokohin ulit ako ni Gino, wala raw akong karapatang umiyak sa kanila o magsumbong. Pero okay lang ang naging reply ko sa kaniya. Dahil alam kong kahit ano’ng paliwanag ko, hindi pa rin nila ako maiintindihan. At kung maintindihan man nila ako, nakakahiya rin at siguradong sasabihan lang nila ako ng tanga lalo pa at ako ang nagdesisyon na manatili kay Gino. Lalo na ngayong ramdam ko na ang pagbabago niya. Isang oras pa lang simula nang dumating kami rito sa probinsya, pero hindi ko na mahagilap si Gino. Dinala kasi siya ni papa sa

