GINO’s POV TANGHALI. Katatapos ko lang maligo nang magdesisyon akong lumabas sa kwarto. Nakasuot ako ng itim na pants, white T-shirt at dinoble ko ang paborito kong hoodie. Saka ako dumiretso sa kusina para maghanda ng lunch ko. Pinakamadaling lutuin as usual. Spam, para prito lang. Habang kasalukuyan akong nagpiprito sa kusina, may narinig akong tunog na nanggagaling mula sa pintuan sa harap ng bahay ko. Hindi katok, kun’di parang may humahampas doon nang bahagya mula sa labas. Si Thunder? Lumingon ako sa sala at nang makita ko si Thunder na nahimik na natutulog tabi ng couch, napanatag ako. Baka may pusa lang sa labas. Saka kung si Thunder ‘yon, malakas dapat ang tunog dahil kapag naiiwan ko siya sa labas, katawan niya ang inuuntog niya sa pinto kaya malakas ang impact. Pero ng

