GINO’s POV MY hand formed into a fist as I was scrolling through the internet. Kalat na kalat ang article tungkol kay Hanna noong na-harass siya ng isang lalaking fan daw niya. Noong isang araw lang ‘yon nangyari. Nasa labas siya ng building ng agency nila that time, naghihintay ng service noong nilapitan siya ng lalaking ‘yon. Base sa article, gusto lang daw magpa-picture sa kaniya ng lalaki, pero after magpa-picture, hindi na siya iniwanan at kinukuha na raw ang number niya. Nang tanggihan ni Hanna at layuan, sinundan siya ng lalaki at hindi tinigilan. Mabuti na lang, agad siyang nakita ng guwardya sa harap ng building at nasaklolohan siya agad. Nai-report na ng company nila ang lalaki at gumagawa na ng legal action ang management, pero hindi pa rin ako mapalagay. Paano kung mangyar

