GINO’s POV ALAS NUEBE ng gabi. Kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng isang apartment unit na napag-alaman kong tinutuluyan ni Minzy. Hindi pa ako pumupunta sa bar. Pag-alis ko sa bahay matapos namin mag-dinner ni Hanna, dito agad ako pumunta. Dahil ito ang address na ibinigay sa ‘kin ng tao ko na inutusan para hanapin siya. Pero hindi ko magawang bumaba sa sasakyan ko. Nakalingon lang ako sa labas ng bintana at nakatanaw sa gate. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita kong eksena sa university. Nakasuot na ulit siya ng teacher’s uniform. Hindi ko alam kung kailan siya nakakuha ulit ng lisensya para magturo. But it’s good for her. I’m happy for her. Kaya lang, ‘yung lalaki . . . ’yung lalaking nakita kong nag-abot sa kaniya ng bulaklak . . . ano niya? Manliligaw? Boyfri

