MATAPOS sabihin ang magandang balita kay Spencer, kinabukasan ay nagpa-check up agad sila. Ayon sa doctor ay maselan ang pagbubuntis niya at mahina ang kapit ng bata kaya naman complete bed rest ang payo sa kanya ng ob-gyne. Dahil doon naging mas mahigpit sa kanya si Spencer. Dahil sa history ng miscarriage niya at sa sinabi ng doctor, natatakot ito sa mga maaaring mangyari sa kanya. Ngayon, hindi na siya pwedeng magpabalik-balik sa taas. Binaba ni Spencer ang mga gamit niya sa painting doon sa living room, maging ang laptop niya ay nasa baba rin. Para buong araw ay naroon lang siya sa baba at sa gabi na lang kapag matutulog na siya aakyat. Mas naging doble rin ang paalala nito na bawal siya magmaneho. May mga pagkakataon nga na nilulutuan na siya nito ng pagkain sa

