TWO months later… “Ano? Nakapag-test ka na?” tanong ni Sibby sa kanya. Kinakabahan si Isla na umiling. “Hindi pa, pero may binili na ako, tatlo sila para sure,” sagot niya habang kausap ang kaibigan through video call. “O siya, sige na, gawin mo na ‘yan at ibababa ko na ‘to. Ayoko naman unahan si Spencer sa balita kung sakaling tama tayo ng hinala.” Huminga siya ng malalim saka tumango. “Okay, babalitaan agad kita.” Kinakabahan si Isla na tumingin sa tatlong box na binili. Ayaw niyang umasa na maganda ang magiging resulta ng gagawin, natatakot siyang umasa pagkatapos sa huli ay wala naman pala. Pero sa kabilang banda, hindi niya magawang magduda. Magda-dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan, bukod doon, nit

