“LOVE, nakita mo ba ‘yong phone ko? Hindi ko mahanap, nakalimutan ko kung saan ko nilapag,” tanong ni Spencer habang nakatutok ang mata sa screen ng laptop. May trabaho kasi itong kailangan matapos agad kaya pagdating sa bahay ay trabaho pa rin ang inatupag nito. Pumuwesto pa ito doon sa work station sa loob ng kanyang studio. Habang siya ay busy naman sa pagbabasa ng Manuscript na katatapos lang niyang isulat. “Wait, hanapin ko,” sagot niya at agad na tumayo. Kinuha niya ang phone at dinaial ang number ni Spencer para madali niya iyon mahanap. Natagpuan ni Isla iyon sa kusina. Saktong pagkuha ng cellphone ay biglang may nagtext dito. Ngunit hindi ang message ang nakakuha sa kanyang atensiyon kung hindi ang picture na nasa lockscreen nito. Lumukso ang kanyang puso sa saya nang maki

