HINDI mapakali si Isla habang nasa kusina. Ang totoo ay katatapos niya lang magluto, everything is already prepared even the dining table. Pero hindi pa rin siya matahimik at patuloy na sinusuyod ng tingin ang buong paligid kung lahat ay nasa ayos na. Malinis na ang bahay. Naayos na rin niya ang dalawang guest rooms. Sa kusina ay naligpit na rin niya ang mga pinaggamitan nang nagluto siya. Ang mga bisita na lang ang kanyang hinihintay. Mayamaya ay natigilan si Isla nang makita ang sarili sa repleksiyon sa salamin. Dahil siyang umakyat at naghilamos pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Magulo pa pala ang buhok niya at naka-apron pa siya. Malapit na siyang matapos nang makatanggap ng tawag mula sa nobyo. “Malapit na kami, love.” “Ah… o-okay. Naka-re

