CHAPTER 4

3030 Words
STEVE'S POV "Ace, how are you, son?" Narinig kong tanong sa akin ng isang pamilyar na boses. "Dad?" tawag ko rito.  "Ikaw ba 'yan?" pinatatag ko ang boses ko dahil alam kong nanginginig ako sa mga oras na 'to.  "Come here, son." It's really his voice, no doubt about that. Lumingon ako sa likuran kung saan nanggaling ang boses ng aking ama. And this time, hindi ko na napigilan ang umiyak pagkakita ko sa mukha n'ya.  "I miss you so much, dad."  He tapped my back. "I miss you too, Ace."  Iginiya n'ya ako paupo sa isang puno na hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.  "Where are we, dad?"  Inilibot n'ya muna ang paningin n'ya sa kabuuan ng lugar at muling bumaling sa akin. "Ito ang paborito kong lugar higit saan pa man. Dito kami madalas pumunta ng mommy mo noong panahon na magkasama pa kami." Hindi ko naiwasan ang malungkot dahil alam kong nalulungkot din ang lalaking nagbigay buhay sa akin. Ang kaisaisang lalaki na naniwala sa akin at umalalay sa akin ng panahong 'di ko pa kaya.  "Don't be sad about every failures that you've encountered, remember that it made you a strong person today," he said while smiling.  "When will I see you again, dad?" I could see many emotions in his eyes, but what caught my attentions is his wary eyes. "What's the matter, dad?" He gestured his hands in front of  me.  "How's your heart?" instead he asked.  Nalito ako sa kung ano ang ibig sabihin ng tanong n'ya kaya umiling lang ako.   "Patawad kung wala man lang ako noong mga panahon na iniwan ka ng nobya mo." Ahh, si Nicole..  Humiga ako at ginamit na unan ang sarili kong mga braso.  "Hindi na mahalaga 'yon, dad, sapat na si Nadia bilang nag-iisang babae sa buhay ko. Masaya ako kahit pa sabihin na hindi kami nagkatuluyan. Iniisip ko na lang na baka may ibang nakalaan sa akin ang tadhana na mas higit pa sa kanya. Iyong babae na kaya akong samahan sa huling segundo ng buhay ko." Hindi na ako nagtaka ng marinig ko s'yang tumawa.   Yeah! Yeah! That's really him.  Hindi ko talaga alam kung bakit natatawa s'ya kapag nagseseryoso ako sa t'wing nag-uusap kami. Noon pa man, ganyan na talaga ang ugali n'ya.   "Kapag nahanap mo na ang babaeng para talaga sa'yo, magtatampo ako kapag hindi ako ang una mong ipapakilala sa kanya." This time,  ako naman ang natawa sa sinabi n'ya.  How I miss this feeling.  Iyong kami lang dalawa habang masayang nag-uusap. "Am I dreaming?" I asked him,  "Sana kung panaginip lang 'to, 'wag na akong magising." Narinig kong pumalatak s'ya. "Kung 'di ka na magigising, wala na ring pag-asa na makita mo pa ako at ang mommy mo." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi n'ya.  Pinaglaruan ko ang isang tangkay ng dahon sa bibig ko. Though I'm very talkative, kapag pinag-usapan na ang magaling kong ina, natatameme ako.   "Galit ka pa rin ba sa kanya?" malumanay at may pag-intindi n'yang tanong. Mga bagay na si dad lang ang alam kong mayroong ganoon na pag-uugali. Hindi ko nga alam kung bakit hindi 'yon nakita ng asawa n'ya .  "Hindi ko talaga alam, dad, kung ano ang dapat kong maramdaman, eh.  May sumpa yata ako pagdating sa mga babae hahah." Tumawa ako nang pagak.  "Time will come, you'll understand why she left us." Nagtaka pa ako nang tumayo na s'ya. Binigyan ko s'ya ng nagtatanong na tingin na ginantihan n'ya lang ng makahulugang ngiti.  "Bakit? Aalis na kayo?"  "You have to wake up, son. They're waiting for you. We're waiting for you." Yinakap n'ya ako at tinapik sa balikat,  "Always remember,  your mom and I,  will do the right thing just to keep you safe.  We love you, son." "I love you too,  dad!" "Ace? Ace?!!!" Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Nadia.  "Oh My!  Oh My!" Sinugod n'ya agad ako ng yakap habang umiiyak.  "I'm glad you're awake, akala ko iiwan mo na ako." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi n'ya. "Mamamatay talaga ako kapag 'di ka pa umalis sa pagkakayakap mo sa akin, kakapusin na ako ng hangin sa ginagawa mo, eh." Kunwari ay reklamo ko para inisin sana s'ya pero nanatili lang s'yang nakayakap sa akin. But this time, she lossen her hug.   "Tinakot mo ako, Ace," nanginginig ang boses na sabi n'ya. "Akala ko ay iiwan mo na ako." Alam kong umiiyak s'ya dahil ramdam ko ang bawat patak ng luha n'ya.   I tapped her back.  "Why should I? You're my only ally, kaya hindi kita iiwan sa ere." Kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.  "Ang baho ng hininga mo!" sabi n'ya sabay pindot sa tungki ng ilong ko.   ONE WEEK LATER Araw ng lunes kaya maaga akong nagising. Kailangan ko nang pumasok para makahabol sa mga nagdaang leksyon. Si daddy... Up until now, I really can't figure out if how it was possible that I had a little talked with my father.  And he's waiting for me! Pero saan ko s'ya mahahanap? Ilang beses ko na ring binabalik-balikan ang bundok kung saan huling nakita ang mga gamit n'ya pero wala akong makita na palatandaan na magtuturo para mahanap s'ya.  Malinaw pa sa akin ang lahat ng nangyari bago s'ya nawala.  FLASHBACK Nasa practice  room ako nang biglang pumasok si dad na may dalang mahaba na animo'y stick. "Ano 'yan, dad?" Turo ko sa dala n'ya. Sinipat muna n'ya ito bago nakangiting sumagot. "A sword." Tinanggal n'ya ito sa lalagyan at tumambad sa akin ang nag-aagaw na kulay ng puti at itim na espada. "They said that this sword is hundred years old.  Galing pa raw ito sa pamilya ng mga hunters."  Tinitigan ko ito nang mabuti at napangiti. "Naniwala naman kayo?" natatawa kong tanong. "Tingnan mo nga, dad, eh halos wala pang gasgas 'yan, sobrang kinis at makinang." He handed me the sword, and to my surprised—if I'm not mistaken, naglalaro sa sampung kilo ang bigat nito. "Strange!" Yes it is!  Dahil kung pagbabasehan ang nipis nito ay masasabi mong magaan lamang ang naturang espada.   "Likha pa raw ito ng pinakamagaling na panday ng Safre." "Safre?"  "It's a hidden place where  the royal hunters lived long time ago." Ramdam ko ang pagkamangha sa boses n'ya sa bawat bigkas ng salita. "Mga tao rin silang kagaya natin ngunit higit na mas malakas, higit na mas mabilis kaysa sa pangkaraniwan." "Mga bampira?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong ang bagay na walang kabuluhan.   "No, but they were the vampire's hunters." Napakamot ako sa ulo dahil sa narinig ko.   Bampira?  Hunters?  "Bakit nasa sa iyo 'yang espada, dad?"  "Nakita ko ito sa bundok na parati nating pinupuntahan," sabi n'ya pa na ang tinutukoy ay ang bundok na bato sa Rizal.  "Marami ang may gustong bumili ng espadang ito pero para sa akin ay hindi ito kayang tumbasan ng kahit magkanong halaga." "Parang ordinaryong espada lang naman 'yan," komento ko.  "Mmm, marahil ay ganoon nga pero base sa narinig ko..." Sinadya n'yang putulin ang pagsasalita at mataman na tumingin sa akin. "This sword was made from the wolf's bone and fangs." I nodded as an answer . "Aalis ako. Pupunta uli ako sa bundok . Bukas pa ng umaga ang uwi ko kaya parati kang mag-iingat." Hindi ko alam pero naghatid ng kakaibang kaba ang bilin n'ya. Tinapik n'ya pa ako sa balikat bago tumalikod.  Hinatid ko s'ya ng tingin habang papalayo.  Iyon na rin ang huling araw na nakita ko si dad. Lumipas kasi ang isang linggo ay hindi pa rin umuuwi si daddy kaya kami na mismo ang pumunta sa bundok para sunduin s'ya pero tanging ang damit n'ya na may bahid ng dugo ang nakita namin.   °°°END OF FLASHBACK °°° "Are you okay, Ace?" untag sa akin ni Nadia. "Kanina pa kita tinatawag 'di mo yata ako naririnig." "Yeah, may naalala lang ako." "So, let's go?" Tanong n'ya sa akin na ang tintukoy ay ang paghatid n'ya sa akin sa school.   Simula nang makalabas ako ng hospital ay pinili ni Nadia na sa bahay na muna tumira para daw mabantayan n'ya ako. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko na kung gaano s'ya nag-aalala para sa akin.   Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maalala ang panaginip ko tungkol kay daddy. Isa nga lang ba iyong panaginip o isang pahiwatig para mahanap ko na s'ya?  Parang totoo ang pangyayaring iyon dahil ramdam ko sa katawan ko ang yakap n'ya.   Dinig na dinig ko ang tawa n'ya.   Maybe it's time to go back to that place.  I'll find him with all I can.  Kahit pa maniwala ako sa mga kwento n'ya. Kahit pa maniwala ako sa mga...  Teka! Mga matang nag-aagaw ang kulay ng dugo at papalubog na araw!   Hindi ko alam kung bakit kusang pumasok sa balintataw ko ang imahe ng mga matang 'yon! Nasisiraan na yata ako ng bait, tsk! Kusa ko na naman na naalala ang aksidente na kinasangkutan ko.  Naikuyom ko ang mga kamay ko nang maalala ang babaeng alam ko na dahilan ng pangyayari. Pero ang higit na nakakapagtaka sa amin—lalo na sa akin ay kung paano ako nakaligtas! Kahit anong pilit kong gawin para maalala kung bakit hindi malala ang natamo ko at nakalabas ako sa kotse ay hindi ko talaga magawang maalala. Sumasakit lang ang ulo ko.   "Ace?" Napaigtad pa ako nang marinig ko ang boses ni Nadia. "Are you sure that you're feeling well? Mukha kasing hindi ka okay, eh. Ilang beses na kitang tinawag pero 'di ka sumasagot. May masakit pa ba sa iyo?" Hindi maikaila ang pag-aalala sa boses n'ya kaya ngumiti ako.   "Naglalakbay lang ang isip ko sa kung saan kaya marahil ay hindi kita narinig kanina." Hinalikan ko s'ya sa pisngi.  "Una na ako. Salamat sa paghatid. Take care!" Pinisil n'ya ang pisngi ko. "If there's something wrong, you know that I'm here to listen, so don't hesitate to talk to me, 'kay?" Sumaludo ako sa kanya.  "Aye, aye, Captain!"  Sumilay ang ngiti n'ya. "Sige na, study well!" Hinintay ko pa na makaalis ang kotse n'ya bago ako tuluyang pumasok sa campus. Ramdam ko ang mga tingin ng bawat estudyante na nakakasalubong ko.  May mga nagbubulungan at impit na tili akong naririnig.   "Gosh! He's finally back!" "He's so gwapo pa rin talaga, no?" "Kyaaahhh!! Nandito na ang prince charming ko!" "Loriene, 'wag ka ngang masyadong maingay. I know naman talaga na gwapo s'ya." Napapailing na lang ako sa mga naririnig ko.  I'm used to it.  Pero minsan ay mas gusto ko sana na manahimik na lang sila kapag dadaan ako para naman hindi masyadong nakakairita.  Sa cafeteria na ako tumuloy nang biglang... "Ay! Tanga! Hahaha." "Now, he's dead!" "Ang daming makakabangga, si Steve pa talaga. Poor little boy!" Samu't-sari ang narinig ko matapos akong mabangga ng isang binata.  Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa.  "Sorry po," nanginginig ang boses na hingi n'ya ng dispensa habang nakayuko.   Tatalikod na sana s'ya nang hawakan ko ang nanginginig n'yang braso.   "See? Bagay na sa iyo ang basahan mong suot. Mukha ka na talagang basurero." Mula sa pinto ng canteen ay lumabas si Freya kasama ang grupo n'ya. They are the meanest students in this school.  "Hi Steve," maarte na baling n'ya sa akin.  "Go! Kick him out of this school, Steve. He's all yours." No wonder. Sila pala ang nantrip sa binatilyo kaya halos mapuno ng mantsa ang damit nito. Hinarap ko sila Freya at ngumisi. "Ilang linggo na nga akong nawala rito sa school, tapos pagbalik ko, ang pangit n'yong mukha ang masisilayan ko? Ang malas ko naman! Tsk!" Narinig ko ang malakas na tawanan ng ibang estudyante. "Next time kapag nakita n'yo ako, umiwas na kaagad kayo dahil naaalibadbaran ako sa mga pagmumukha n'yo!" sabi ko sabay hila sa kamay ng binatilyo.   "Kuya, sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya. Gagawin ko po ang lahat, 'wag n'yo lang po akong paalisin sa school na 'to," garalgal ang boses na sabi nito.  Dinala ko s'ya sa locker room.  "Linisin mo ang sarili mo at magbihis ka na." Agad naman s'yang tumalima at pumwesto sa malaking salamin sa lababo. "Hindi ka ba magbibihis?" Umiling s'ya at matipid na ngumiti. "Isa lang po ang uniform ko at ito po iyon na suot ko." Turo n'ya pa sa marumi n'ya nang uniform.   Pumunta ako sa locker ko at kinuha ang limang pares na uniforms na 'di ko pa nagagamit. "Here, it's all yours." "Po?" Bakas ang gulat sa boses n'ya.  "Naku po, hindi ko po mababayaran 'yan." "Sino naman ang nagsabi sa iyo na bayaran mo 'yan sa akin? Binibigay ko na 'yan sa iyo."  "Sigurado po ba kayo na akin na 'to?" Bahagya akong tumango. "Sige na magbihis ka na." Makalipas ang ilang minuto ay sabay na kaming papunta sa canteen. "Ano nga pala ang pangalan mo?" "Gerald po."  "Masyado ka naman yatang magalang?" Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa pananalita n'ya. Unang beses kong maka-encounter ng magalang na tao kaya hindi ako sanay.   Pinaupo ko na s'ya sa pwesto ko sa canteen at ako ang um-order ng pagkain namin. "Gezz! What kind of food is that?" "Eeewww!  Ang sangsang ng amoy!" Bulungan ng mga estudyante habang nakatingin kay Gerald.  Nakita ko ang isang lagayan ng ice cream na may lamang kanin, pritong itlog at... sa tingin ko ay tuyo.   "Mukhang masarap 'yan, ah?" Sinadya kong lakasan ang boses ko kaya natahimik ang animo'y mga bubuyog na nagbubulungan kani-kanina lang.    "Ahaha,  opo,  ito po ang paborito kong pagkain. Kain na po?" Tumango ako at umupo. Ilang segundo lang din ay hinatid na ang orders ko. "Kain na, 'wag kang mahiya sa akin at lalong lalo nang 'wag mong papansinin ang iba." Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko kay Gerald.  S'ya iyong tipo na inosente pero mulat ang mga mata sa katotohanan ng buhay.  Kita ko kung paano s'ya maging sabik sa pagkain na para sa akin ay simple lang.   "Nakakahiya man pong aminin pero first time ko po na makakain ng ganito hahaha!" "Hindi ka bagay sa school na 'to." "Dahil po ba mahirap lang ako?" Kahit nakangiti s'ya ay kita ko ang pagkawala ng kislap sa mga mata n'ya.  "No, that's not what I meant," agad kong sansala. "Masyado kang mabait at magalang. At sa tingin ko ay matino ka. You know these students?" Inilibot ko ang mga mata ko at itinuro ang sarili ko. "Kami 'yong mga estudyante na sakit ng mga ulo kaya nagtataka ako kung bakit nandito ang isang tulad mo sa Meraday." "Ah, 'yon po ba? Nabigyan lang po ako ng scholarship at nagkataon na ito po ang pinakamalapit na school kaya dito ko pinili na mag-aral. Maswerte na nga po ako dahil makaka-graduate ako. Laking tuwa ng lola ko kaya sinikap n'ya po talaga na maglabada para mabili lang itong uniform na suot ko kahit masyadong mahal..." natigil ang pagsasalita n'ya nang may tumunog na cellphone—na sa kanya pala. "Ha? Ano pong nangyari? Sige po, pauwi na po ako riyan." Bumaling s'ya sa akin na may pag-aalala sa mukha. "Kuya, kailangan ko pong umuwi dahil—" "I'll go with you," putol ko sa sasabihin n'ya.   Ilang minuto lang ang ginugol namin para marating ang barung-barong na tinitirahan nila. Agad nilapitan ni Gerald ang matandang babae at lalaki na pinupulot ang mga damit sa may putikan.  "Ano po'ng nangyari, 'Lo, 'La?" "Pinapaalis na tayo rito, apo. Pasensya na at hindi ka man lang namin mabigyan ng permanenteng tahanan," sabi ng matandang lalaki.  "Hindi po, Lo, kahit sa bangketa tayo tumira basta kasama ko kayo, okay lang po sa akin." Rinig kong sabi ni Gerald na pilit pinapasigla ang boses.   Napakaswerte ko kung tutuusin dahil nasa akin na ang halos lahat pero 'di ko man lang magawang pahalagahan. Biglang pumasok sa isip ko si daddy na bukas-palad sa lahat ng nangangailangan.   Napangiti ako.  Kung may natutunan man ako kay daddy na hindi ko makakalimutan,  'yon ay ang pagbibigay ng tulong sa mga mas higit na nangangailangan.   "Bakit naman sa bangketa kayo titira kung pwede naman na sa bahay ko na lang?" Itinayo ko ang dalawang matanda at nagmano sa kanila.  "Ako p-po si Steve, kaibigan ng apo n'yo." Hindi ka sanay, Steve!  Tsk!    "Gerald, dalhin mo na lang 'yong mga importante n'yong gamit, and leave the rest," utos ko sabay tawag sa driver ko para magpasundo.  Matapos ko silang ihatid sa bahay ay umalis ako para pumunta sa Rizal.   It's now or never!  Tatlong oras  bago ko narating ang malaking puno kung saan huling nakita ang mga gamit ni daddy. Walang pinagbago ang mayabong na puno kung titingnan ilang hakbang mula rito sa kinatatayuan ko.   "Ha! Kumusta ka na?" Naghahabol ng hininga na tanong ko sa puno. Oo, puno ang kausap ko. Ang mismong puno na tambayan namin ni dad. "Ilang taon na nga ba tayong 'di nagkita? Hindi ko na rin maalala, eh," napapakamot sa ulo na tanong ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa mga alaala na parang kahapon lang.  Ibinuka ko ang mga kamay ko at nilanghap ang mabining hangin na humahaplos sa balat ko habang hinahayaan na dumaloy ang luha ko.  Ito ang kapayapaan na matagal ko nang hinahanap. Kapayapaan na umaabot sa puso ko.  Dito sa lugar na 'to, gusto kong pakawalan lahat ng bigat sa loob ko.   "AAAAAAHHHHHHHHHH!! SAWANG-SAWA NA AKONG MAG-ISA!!!  SAWANG-SAWA NA AKO SA BUHAY KO!!!!" "Gusto mo ay sa akin ka na lang kung sawa ka na talaga sa buhay mo?" What the f**k?!  Muntikan nang mahulog ang puso ko sa ribcage nang biglang may magsalita sa itaas ng puno! Oo, sa itaas talaga ng puno!  Lumambitin pa muna ang may-ari ng boses bago tuluyang ibagsak ang dalawang paa sa lupa.   "Ikaw?" Turo ko sa may-ari ng boses.   Inilapat n'ya ang isang kamay sa tiyan at ang isa naman ay sa likod sabay yukod sa akin. "Ako nga. Kumusta?"  Hindi ko maintindihan ang pagiging eratiko ng t***k ng puso ko nang magtama ang paningin namin! "W-what are you doing here?" Sinikap kong 'di mautal pero nabigo ako.   This beauty in front of me is really... No, erase that!  No words can define her true beauty!  She chuckled and I don't know why.  "I didn't expect to see you here." Umupo s'ya sa lilim ng puno habang ako ay parang tanga na nabato-balani sa kanya. "Pft! Para kang tanga riyan!" Binuksan n'ya ang bag at may kinuha. Ibinato n'ya sa akin ang isang tupperware.   "What's this?"  "Cookies. Mukhang wala kang dalang pagkain, eh." Tiningnan n'ya ang kabuuan ko at huminto ang mga mata n'ya sa mukha ko. "Kumusta ang ulo mo?" May diperensya na yata ang ulo ko dahil nahuhumaling na ako sa iyo...  Gusto ko sana s'yang sagutin nang ganoon pero 'di ko magawa.   At sa pangalawang pagkakataon ay natawa na naman s'ya.   "Ok na, salamat." I smiled at her. "Ano nga pala ang pwede kong itawag sa iyo?" "Iris, mas sanay ako na tinatawag na Deaths kaya Iris ang itawag mo sa akin." Ilang linggo lang na 'di ko s'ya nakita pero ang laki ng pinagbago ng pisikal na katangian n'ya—o mas tamang sabihin na mas gumanda s'ya dahil sa balat n'ya. Wala na rin ang braces na suot n'ya maging ang salamin ay wala na kaya mas malinaw ko nang nakikita ang kulay asul n'yang mga mata. Maputi na rin s'ya—masyadong maputi na parang 'di na naaarawan.  Pero isa lang ang alam ko ngayon...  Napakaganda ng mga mata n'ya... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD