STEVE's POV I never imagined myself sitting under the tree, feeling contented while I'm with this girl. Gusto ko na ngang pagtawanan ang sarili ko sa ten-day-rule na ako pa mismo ang naghamon sa kanya. Palihim ko lang s'yang tinitingnan habang s'ya naman ay tahimik lang din na pinagmamasdan ang paligid. Ang ganda n'ya... Napakaganda n'ya! "'Wag mong ugaliin na titigan ako dahil baka hindi mo namamalayan, minamahal mo na pala ako," sabi n'ya na wala sa akin ang paningin pero alam kong bahagya s'yang nakangiti dahil sa nakikita ko ang kalahati ng mukha n'ya. "Oh? Bakit? Sa iyo mismo galing ang salitang 'yan, naalala mo pa naman yata, hindi ba?" "Ah! Ahaha! Ahem!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya. This is not me, I swear! Tumikhim uli ako. "Naalala mo pa pala?" "Hmm." She nodded

