NADIA's POV "Nasaan na ba kasi ang batang iyon?" tanong ko sa sarili ko habang hindi mapakali dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Ace dito sa bahay. "Nako, hija, pasensya na at hindi namin napigilan ang pinsan mo sa pag-alis. Hindi rin namin alam kung pumasaan ang batang iyon." ''Hindi ho, 'La, matigas talaga ang ulo ng batang iyon," nakangiti kong sagot sa matanda. "Kumain na lang ho kayo. Aalis po ako para hanapin si Ace." "Isama mo na si Gerald, hija," sabi lolo Tonet. "Hindi na ho, isasama ko na lang ho ang nobyo ko. Kung sakali po na dumating si Ace dito at wala pa ako, pakisabi na lang po sa kanya na tawagan ako. Kumain na lang ho kayo," paalam ko bago tumalikod. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Ace pero kailangan kong magbakasakali sa kung saan dahil alas otso na

