STEVE's POV Kung ako ang tatanungin, alam ko na may mali. May mali sa lahat! Kay Nadia na tila wala sa sarili kanina. Kay Yuwi at Travis na nagpapalitan ng makahulugang tingin. Kahit 'di nila sabihin sa akin ay alam kong may mali dahil sa paraan ng paghahabilin nila sa aming dalawa ni Nadia. Pero ano? Nalilito ako pero bakit panatag ang loob ko na tila ba ay may mga matang nakabantay sa akin—sa amin. Nitong huling araw ay nararamdaman kong may nagmamasid sa amin o mas tamang sabihin na nagsimula ito nang gabing maaksidente ako. Hindi ko mabigyang pangalan ang nararamdaman ko dahil iba-iba ang pakiramdam. Minsan nakakakilabot at kusang tumatayo ang mga balahibo ko, minsan naman ay panatag ako na para bang may taong tutulong sa amin sa oras na magkagipitan. Ipinilig ko ang ulo k

