IRIS' POV "Saan ka nakatira?" untag sa akin ni Nyx. Nasa bahay niya kami ngayon kasama si Yuwi at Laxus. "Kailangan bang alam mo?" Ginulo niya ang buhok ko kaya naman ay ngumisi ako. "Alam ni Yuwi iyon, sa kanya mo na lang itanong." "Kailan tayo uuwi?" Alam ko kung ano'ng tinutukoy ni Laxus na lugar na uuwian namin. "Ayaw n'yo ba muna na um-attend ng acquaintance party?" Baling ko sa dalawa subalit ngumiti lang sila nang makahulugan. "Pwede ba!" sita ko sa kanila. "Tigilan n'yo ako." Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at nangalumbaba. "Paano kapag may nagtanong, ano'ng sasabihin ko?'' Tumingin ako kay Nyx. "Tell them the truth. May susuotin na ba kayo sa acquaintance party niyo?" "Sasagutin mo ang isusuot ko?" "Wala kang pera?" "Hindi ka na lang umoo." Kunwari ay umismid ako. "M

