AUTUMN's POV Nasa pasilyo pa lang ako ng palasyo pero dinig ko na ang malulutong na tawanan ng mga kababaihang mahahalata mo na wala sa sarili nila. Kung ihahambing sila sa kung sino—sila iyong mga dalagitang alam na niloloko na, nagpapatuloy pa rin—mga hibang kumbaga. Naningkit ang mga mata ko kasabay ng pagnipis ng mga labi ko dahil sa inis. Pumihit ako paharap at walang anu-ano ay lumitaw sa lugar na ilang dipa ang layo sa kinatatayuan ko kanina. Iniumang ko ang dala kong punyal sa leeg ng nilalang na kanina pa sumusunod sa akin! "Ano'ng kailangan mo sa akin?!" paasik ko na tanong sa lalaki pero inangilan lang niya ako. Hindi ko siya kilala, pero tiyak ko na isa siya sa pinagkakatiwalaang guwardiya ni Lord Skevezh. "Wala akong tiwala sa iyo, mortal!" Hinawakan niya ang kamay ko

