SIX'S POV "What do you need?" I asked the man who is in front of me now. I can still remember him. He is one of those guys who was with Victoria when she was attacked. Tumingin ito sa paligid. Tila kinakabahan pa ito. Hindi ito mapakali habang napatingin kina Lolo na nakatingin din dito ngayon. Napapansin kong medyo tila may tama rin ito ng alak base sa naamoy ko mula sa kaniya. "Ang sabi mo, kung sino ang makakapagturo nang umatake kay Riri ay bibigyan mo ng malaking halaga. Milyon, tama?" Nakangisi ito. Tinitigan ko ito. I don't trust this guy, but I have no choice. Maaring magsabi siya ng totoo kaya pagbibigyan ko siyang mag-salita. Pero hindi ibig sabihin na maniniwala ako agad ako sa kaniya. "Who is it?" Muli itong tumingin sa paligid at napatingin ito kay Lolo at Dad na naghih

