Napatingin ako kay Tito Baste nang abutan niya ako ng isang maiit na paper bag. Kasalukuyan akong nakatambay sa open living room ngayon. Medyo nag-aagaw na ang dilim at liwanag kaya pinindot muna ni Tito Baste ang switch on ng mga ilaw bago lumapit sa akin. "Nalaman kong nawala ang cellphone mo noong nangyari ang insidente kaya binilihan kita ng bago," wika nito nang tanggapin ko ang inabot niya. "Salamat po. Hindi na sana kayo nag-abala." Dahil busy ako sa pagpapagaling ay hindi ko na naisip pa ang selpon ko na itinapon sa dagat ng lalaking umatake sa akin. Nakausap ko naman na sina Anikka at Meredith kaya hindi na ako nag-aalala na mag-alala sila sa akin. Nakita ko na rin si Fred, iyon nga lang kinaladkad naman ito kanina ni Six paalis. "Kakailanganin mo iyan. Malapit na ulit ang pas

