"Siblings?" ulit ko sa sinabi nito habang pigil ang hininga ko. Pakiramdam ko biglang nagsikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Lihim akong napalunok habang nagsisimulang pagpawisan ang mga kamay ko. "Yeah. Hindi ba kapatid ang turing mo sa kaniya? I heard the Don adopted you kaya parang magkapatid na rin kayo ni Six lalo na at sabay kayong lumaki," malaki ang ngiting paliwanag nito na ikinahinga ko ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa naging sagot niya. Akala ko, kung anong siblings na ang tinutukoy niya. Nahihirapan na akong huminga dahil sa kabang bigla kong naramdaman. Sa dami kasi ng kumakalat na tsismis na baka anak ako ni Tito Baste ay talagang kinabahan ako ng todo sa sinabi ng kaibigan niya na awaymagkapatid lang daw ang namamagitan sa amin ni Six. Ang

