Nang makaalis na nang tuluyan si Gido ay napabaling ang tingin ko kay Six. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong ko sa kaniya. "Connections," simpleng saad nito. Pero kahit alam niya kung nasaan ako bakit sumunod siya dito? Hindi ba siya busy sa hacienda? At sino ang connection na sinasabi niya? Ibig sabihin kahit saan ako pumunta may mga matang nakasunod sa akin? "Why are you talking to him?" Nagkibit balikat ako. "Bigla na lang siyang lumapit sa akin. Siguro nakita niya ako habang nagmamaneho siya," sagot ko. "I don't like him," ulit nito. "The more you hate, the more you love," pagbibiro ko sa kaniya. Kanina pa kasi niya sinasabi na ayaw niya kay Gido. "So, you love me." Nakangisi ito sa akin habang napatanga naman ako ako sa kaniya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa sinab

