bc

Alejandro's Obsession (R-18)

book_age16+
3.3K
FOLLOW
22.9K
READ
possessive
forced
manipulative
badgirl
CEO
drama
like
intro-logo
Blurb

Alejandro Sandeval and Cassandra Monterey Stories (COMPLETED)

Dahil sa kagustuhan ni Alejandro na mapasa kanya ang babaeng si Cassandra, ginipit niya ang ama nito upang ang dalaga ang maging pambayad utang. Ito ang dahilan kung bakit galit na galit si Cassandra sa kanya.

Magwawagi kaya ang pagta-tyaga ni Alejandro na makuha ang damdamin ni Cassandra? O darating ang panahong kailangan na niya itong pakawalan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Cassandra Point of View TAHIMIK akong nakahiga sa malaki at malambot kong kama. Ilang araw na ata ako nakikipag titigan sa kisame nitong kwarto ko. Memoryado ko na din ang bawat sulok nitong kwarto. Ang kulay ng mga gamit at kung saan ang mga gamit ay kahit nakapikit pa ako ay alam kong puntahan. Wala akong kausap kung hindi ang sarili ko lamang. Ang mga katulong sa mansiyong ito ay hindi din makausap ng maayos. Sa tuwing nakikita nila ako ay para silang nakakita ng multo. Ikinulong lamang ako ng magaling kong asawa dahil sa paglabas ko ng hindi nagpapaalam. Ang galing hindi ba? Asawa ko pala sa papel. “Ma‘am, tapos na po ba kayong kumain?” speaking of, nakakairita na ang ilang beses nilang pangungulit sa akin na kumain. Pang ilang beses ko na ‘tong pag-irap sa kawalan, kakain naman ako kapag nagutom ako pero sa pagkakataong ito gusto kong lumabas. Ilang araw na akong walang komunikasyon sa mga kaibigan ko lalo na sa shop ko. Hindi rin ako makatakas dahil nagkalat ang mga nagbabantay sa paligid. Naka-lock rin ang pinto at naka-sealed ang mga bintana. Wala din bintana sa banyo at na sa ikalawang palapag ang kwartong kinalalagyan ko. “Ma'am!” muling tili ni munchacha Toyang ang pangalan niya ang nagsisilbi sa akin at ang katulong ko na isang buwan ng pagpapasensya at nagtitiis sa ugali ko. Pero wala akong pakialam dahil trabaho niyang pagsilbihan ako. Dahil sa walang humpay na sa pagkatok si Toyang sa pinto ng silid ko ay minabuti kong lumapit rito at kumatok din pabalik. Ang inakala niya siguro ay tapos na akong kumain kaya walang pag-aalinlangan niya itong binuksan na nag-pangiti sa akin, sinamantala ko ito at lumabas. “Bawal po kayong lumabas! magagalit po si Senyorito Alejandro!” nagpapanic na sigaw ni Toyang at pilit akong pinipigilan ngunit dahil maliit na babae lamang siya ay walang kahirap-hirap ko itong hinawi kaya napasubsob ito sa lapag. Hindi ko siya inintindi bagkus nag dire-diretso ako sa paglabas ng silid. Naalerto ang lahat ng nakakita sa akin ngunit sinamahan ko lamang sila ng tingin kaya hindi na sila nag-abala pang pigilan ako. Sumilay ang malawak king ngiti ng tuluyan na akong makababa sa living room area. Lalapit na sana ako sa lagayan ng mga susi ng kotse upang kunin ang susi ko ng matuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa boses na iyon. “Where the f*cking hell you are going, Cassandra?!” malamig at puno ng diing sambit niya. Aaminin ko na maldita at amazona ako ngunit pag si Alejandro na ang usapan ay na bahag ang buntot ko. At dahil ako si Cassandra ay hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa lalaking na sa likuran ko ngayon at kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam kong nakakunot na ang maganda niyang kilay. Dahil ayaw ko ng patagalin pa ito ay humarap na ako sa kanya, unang landing palang mga mata ko sa kanya ang pagsinghap ko sa loob-looban ko. Sinong hindi? Isang lalaking sobrang gwapo simula sa asul niyang mga mata at ang mukha na obvious namang pinamukhang paborito siya ng diyos dahil na sa kanya na lahat. Hindi ako agad nakasagot kaya siya na ang kusang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang braso ko. Matalim ang bawat tintin niya sa akin kaya namutla ako ng sala sa oras, ito ang unang beses nagalit ko siya ng ganito. “I am asking you, Cassandra,” muling tanong niya. Nagtitigan pa kami ngunit ako na lang ang pag-iwas ng tingin dahil paano mo nga naman titigan ang mga matang ‘yon na tagos hanggang buto kung tumingin? Dahil ayoko makipag-away at kahit labag sa loob ko sinimulan ko ng maglakad paalis sa harapan niya. Dahil si tanggang ako ay hindi prepared sa pagtakas hinaklit niya ang braso ko at walang pasabing kinaladkad ako papasok sa kwarto naming dalawa. Oo namin, pero ako lang ang natutulog roon dahil ayoko siyang kasama o nakikita. “Ano ba! nasasaktan ako!” Tili ko dahil nasasaktan ako sa uri ng paghawak niya. Basta na lamang niya ako itinulak sa malambot na kama ng makapasok kami sa loob ng silid. “Ano bang problema mo! Gusto ko ng umuwi sa condo ko at apat na araw na ako sa pesteng bahay na ‘to!” galit kong sabi at padabog na umupo dahil nga sa pagtulak niya sa akin. “Ikaw ang problema ko! Baka nakakalimutan mong dito ka na nakatira!” naiinis din niyang sigaw sa akin. “Gusto ko lang naman umuwi,” naibulong ko. “This is your home, bakit ka uuwi? nababaliw ka na ba? Hindi ito ang inaasahan kong sasalubong sa akin! Pwede ba kahit minsan lang magpaka-asawa ka naman!” ramdam ko ang frustration sa boses niya ng sabihin ‘yon, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Siya naman may gusto nito hindi ba? “For the past four months puro pagrerebelde ang ginagawa mo at ngayon ano na namang bang ginawa mo!” Iyan diyan siya magaling ang mambintang kahit wala naman siyang alam. “Wala kang alam!” singhal ko sa kanya at dinuro pa siya dahil hindi ko na rin napigilan ng kumawala ang galit ko. “Wala din akong alam kung bakit ka nagkaganyan! Walang araw na hindi mo ginagawa ang mga ayaw ko! Asawa mo ako baka nakakalimutan mo!” gigil na gigil nitong sabi sa akin kaya kumawala ang isang sampal na nagpatahimik sa kanya. “Ikaw ang may gusto nito! Ikaw at hindi ako!” hindi ko na napigilan pa ng kumawala na ng tuluyan ang mga luha ko. “Ako nga ang may gusto, kaya kahit anong gawin mo, sa akin ka lang.” Idinura din nito sa gilid ko ang dugong nanggaling sa labi niya. Tumama ang kuko ko ng sampalin ko siya. “H-Hindi ako sayo,” “Too tired of your bullsh*t, Cassandra.” sambit niya at hinilot pa ang sintido niya na para bang isa lang akong sakit ng ulo niya. “Mas pagod ako dahil hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sa akin ito! Hindi ako hayop para ikulong mo!” ngunit wala, bingi pa rin siya sa bawat hinaing ko. I f*cking want my freedom, kalayaan tulad ng dati. Ayoko ng may nagdidikta sa akin, ayoko ng may pumipigil sa mga gusto kong gawin. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit naghihirap ako ngayon!” sumambulat na ang galit na matagal kong kinimkim. Napatingin itong muli sa akin. Nasasaktan ang bawat tingin niya ngunit wala akong pakialam. Mas masakit pa rin ang mga dulot niya sa akin, pinakasalan niya ako kahit hindi ko gusto, itinali niya ako ng sapilitan sa kasal na siya lang ang may gusto. Nag-pauto siya sa ama ko na isa din demonyong katulad niya upang mas lalo akong pahirapan. Tahimik ang buhay ko bago siya dumating, bakit ako pa sa lahat ng babae ang pakakasalan niya? Bakit hindi na lang ang demonyo kong kapatid tutal magkapamilya naman sila parehong mga demonyo. “N-Naghihirap? Ganun ba ang buhay mo sa akin?” nasasaktan tanong niya sa akin. Dahil na rin sa naipong galit ko ay tumayo ako sa pagkakaupo at nilapitan siya. Namumula na rin ang mga mata niya sa pagpipigil ng luha pero hindi ako nakaramdam ng awa. Bagkus pinakita ko pa kung paano ko siya kinamumuhian. “Ikinulong mo ako na parang aso!” Pinalo ko siya sa dibdib ng sambitin ko iyon. “Kontrolado mo ang bawat galaw ko!” isang malakas na suntok muli ang pinakawalan ko na sinalo lamang niya. “Gusto mo laging ikaw ang nasusunod! I hate you! Because of you nasira ang buhay ko!” That was the last straw of his patience. Sinuntok nito ng malakas ang pader. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakakibo. Nakita ko kung paano bumakat ang dugo sa pader galing sa kamao niya. Napatameme ako ng makita ang itsura niya, namumula ito sa galit hindi niya inalintana ang sugat na sa kamay niya. “Ito ang gusto mo hindi ba! Ang nasasaktan ako! Ang nagdurusa ako! Wala kang alam sa nangyari sa akin! Lagi mo na lang iniisip ang kalayaan mo! I'm sorry pero mamatay kang ako ang kasama mo. Pitong taon akong bumuntot sayo kahit hindi mo ako magawa ng tingnan! Kaya ngayon? Wala kang magagawa. Mamatay muna ako bago ka makawala sa akin!” iyon lamang ang huli niyang sinabi bago ako nito iniwan. Napaupo na lamang ako muli sa kama at napa sabunot sa sarili. Hindi ko na alam ang gagawin ko, may galit at kunsensiya akong nararamdaman sa puso ko. Ayoko nito, ayoko! Sa ilang buwan na magkasama kami nakita ko kung paano niya ako asikasuhin at mahalin. Ayoko nito alam ko konti na lang at muling bibigay ang puso ko. Isang oras simula mangyari ang kaguluhan na iyon ay naging tahimik na ang buong mansiyon. Wala na rin akong naging balita ka'y Alejandro, hindi na siya muling bumalik dito upang silipin ako. Nang marinig ang mahinang katok sa pinto ay agad akong tumayo upang salubungin siya. Nawala ang ngiti ko ng masilayan si Toyang na may dalang tray ng pagkain. “Kain na po kayo,” aniya at inabot sa akin ang tray ng naglalaman ng pagkain. Kinuha ko naman ito at tinignan siya, naghihintay ng sasabihin pa niya ngunit wala akong nakuhang sagot kaya tumalikod na ako upang magtungo sa may sofa. Walang gana akong tumitig sa mga pagkain na sa harapan ko. Hindi ko maintindihan pero may lungkot akong nararamdaman sa puso ko. Kahit mahirap pinilit kong sumubo ng pagkain, wala akong malasahan kahit anong nguya ko. Nagulat na lamang ako ng may pumatak na mumunting luha mula sa mata ko. “B-Bakit ako umiiyak? Nakakatanga naman parang baliw, ” para akong tanga na sinita ang sarili habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Ilang beses ko pang kinumbinsi na ayos lamang ako at mali itong nararamdaman kong lungkot. Muli sana akong susubo ng muling bumukas ang pinto bumulaga sa akin si Alejandro na bihis na bihis at may benda na ang kamay. Nangunot bigla ang dalawang kilay niya ng makita ako. “Why are you crying?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Mabilis naman itong lumapit sa akin at umupo sa tabi ko, mabilis nito akong niyakap. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at pumulupot ito sa baywang niya. Hindi ko na napigilan pa ang pag hagulgol. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng ganito. “Shhh~ sabihin mo sa akin anong problema?” puno ng lambing niyang tanong. Umiling lamang ako bilang sagot. Hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo ko at hinimas ang likuran ko. Marahil inaalo na tumahan dahil sa tindi ng pag-iyak ko. “Honey, tell me anong gusto mo?” muling pangungulit niya. “Gusto ko—” “No, Hindi ka lalabas sa ngayon, I'm sorry hindi kita papakawalan kung isa iyon sa hiling mo.” putol niya sa sasabihin ko sana. Napairap na lang ako kahit hindi niya nakikita. “Stop, rolling your eyes.” Napanguso na lamang ako dahil sa sinabi niya. “I-I need to go for now,” sabi niya kaya napahiwalay ako ng yakap sa kaniya. Doon ko lang napansin ang ayos niya, suot nito ang itim niyang business suit at mukhang bagong paligo din ito. “I need to close the deal with Mr. Dimagiba. Hintayin mo ako mabilis lang ito at mag-uusap tayo.” Hindi ako kumibo pero tumango ako, napansin ko ang necktie niyang magulo kaya kahit na nahihiya ay inayos ko ito. Kahit hindi ko siya nakikita ay titig na titig siya sa akin kaya nag-init bigla ang magkabilang pisngi ko. Hindi naman ito ang unang beses na naging mahinahon kaming dalawa. Ngunit kakaiba parin ang dala niya sa akin, kahit hindi ko aminin alam ko na posibleng mahalin ko ang isang tulad niya. “I love you, Cassandra.” wala sa sarili niyang bulong, habang titig na titig sa akin kaya naman mas lalong nagkulay kamatis ang pisngi ko. “I-I—” “Stop forcing yourself, alam ko naman na labag sa loob mo na sagutin ang sinabi ko. Marami pa tayong oras para diyan, balang araw mamahalin mo rin ako. I have to go for now, see you later.” Hinalikan niya ako sa labi matapos sabihin iyon. Pinanood ko lamang ang papaalis niyang bulto hanggang sa tuluyan na itong naglaho, hindi na rin talaga tumigil sa pag kabog ng dibdib ko. Wala sa sarili kong hinawakan ito at saka pinakiramdaman ng mabuti. Kahit paulit-ulit kong i-deny, alam ko nagustuhan na siya nito saka ko hinawakan ang kaliwang dibdib kung na saan ang puso ko. Ramdam ko konti na lamang. I hate you, Alejandro, for making me feel this. Hindi ko dapat nararamdaman ito dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. I will not tolerate myself for this stupid feelings. Buburahin ko ang nararamdaman ko hanggang sa makalaya ako sa asawa ko

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook