Cassandra Point of View Dalawang araw na rin ang lumipas ng makalabas ako sa hospital at sa dalawang araw na 'yon naging maalaga si Alejandro sa akin. Paminsan-minsan umeepal ang kababata niyang hilaw pero nagagawan ko ng paraan para mas hindi na siya pansinin ni Alejandro. Mabuti naman ang pakiramdam ko ngayon at wala na rin pagsusuka siguro may nakain lang ako noong araw na iyon. Pero ang nakakapagtaka lang ayaw ko na ng cereal at milk. Amoy palang nito nasusuka na talaga ako kaya iniwasan ko na talagang kumain at magpabili nito siguro dahil iyon sa pagsusuka ko noon. Bumangon na rin ako dahil kanina pa ako nakahilata sa higaan. Bigla na lang sumagi sa isip ko si Steven simula kasi noong dinalaw niya ako sa hospital ay wala pang paramdam ulit ito. Nag-aalala ako pero malaki narin naman

