“Gising, Sandra,” rinig kong tawag sa pangalan ko. Hindi ko pinansin iyon at pinagpatuloy lang ang tulog ko. “Sandra? Gising na narito na tayo,” pag-uulit ng kong sino at banayad na tinapik ang pisngi ko. Wala na akong nagawa ng tuluyan ng masira ang tulog ko. Pagbuklat ng mga mata ko bumungad sa akin ang isang pamilyar na babae. Kinusot ko pa ang dalawang mata ko dahil malabo talaga iyon at idagdag pa ang sobrang liwanag. Saka lang luminaw ang paningin ko. Si Celo ang na sa harapan ko ngayon may nakapaskil na matamis at totoong ngiti. “Nakarating na ba tayo?” pagtatanong ko sa kaniya. Habang palingon-lingon sa paligid. Nag-unat pa ako dahil sobrang sakit ng katawan ko lalo na ang pwet ko dahil sa pagkakatulog ko. Sinilip ko pa si Allessander ngunit wala na ito miski ang mga gamit.

