Third Person POV Namumutlang lumabas ang babae habang dala-dala ang pregnancy test na binili ng kaibigan. Nanginginig pa ang kamay niya ng ipakita ito sa kaibigan na ngayon ay namumutla na rin. Hindi niya napigilan ang matinding emosiyon kaya napa-upo na lamang ito sa lapag habang ang kaibigan niya ay nakatingin lamang sa kaniya na may tinging awa. Nanlulumo siya dahil tapos na ang maliligayang araw niya. Ang career niya sa pagmomodelo ay natapos bigla dahil sa pagbubuntis niya. Ang lahat ng pinaghirapan niya ay bigla na lamang nawala ngunit ang batang ito ay anak ng lalaking matagal na niyang iniibig. Ang binatang laging laman ng mga panaginp niya. Ang binatang hindi siya nagawang sulyapan kahit mabilisang tingin ngunit ngayon ay dala niya ang anak nito sa sinapupunan niya. “What's yo

