Panay ang patak ng mga luha ko habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib ni Alejandro. Umaasa na kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Maka-ilang beses niya akong hinalikan sa gilid ng mukha sa may bandang tainga habang paulit-ulit binibigkas ang salitang bumalik na ako sa kanila. Sobrang bigat ng loob ko, sobrang nasasaktan na ako ngunit kailangan kong tatagan ang loob ko dahil ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kaligtasan naming lahat. Lalo na't alam ko na hindi pa tuluyang ligtas ang buhay ko. “H-Honey...” dinig kong bulong niya. Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya at tinignan ang mukha niya. Namumungay na ang mga mata nito dahil sa sobrang kalasingan at pag-iyak. Namumula na rin ang ilong at pisngi niya na mas lalong nagbigay ng atraksiyon sa kaniya. “H-Hon

