“Cassy! Pacheck-up kana kaya? Ilang araw ka ng ganito. Sumusuka ka na walang sinusuka. Sabi kasi saiyo tigilan mo kakakain ng manga!” pang-apat na atang sermon ni Cecil iyan sa akin. Panay parin ang suka ko kahit wala naman akong nilalabas. Panay din ang hilot ni Cecil sa likuran ko hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam ko. Nanlalambot akong napaluhod sa harapan ng inidoro hanggang isa-isa ng naglabasan ang mga luha ko. Magdadalawang linggo na pero hindi parin kami maayos ni Alejandro mas naging mailap ito sa akin. Hindi na siya halos umuuwi at laging na sa opisina o kaya may business meeting sa ibang bansa. Pinilit ko siyang lapitan at kausapin ngunit itinataboy lang niya ako. “Pacheck-up na tayo ah? Ang putla-putla mo na at halos hindi kana nakakakain at nakakatulog. Hayaan mo mu

