Dalawang linggo na simula ng bumalik sa ayos ang lahat. Bumalik na rin ako sa dating trabaho ko sa bahay mismo ni Alejandro bilang katulong niya. Sa dalawang linggo na iyon sinamantala ko na makabonding ang anak ko. Tinatabihan ko rin ito sa pagtulog at sinigurado ko na maipaparamdam ko sa kaniya kahit sa maiksi na panahon na walang katumbas ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi man niya ako nakasama gusto kong bumawi. Babawi ako pagkatapos ng lahat na masasalimuot na problemang kinahaharap namin ngayon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging reaksiyon ni Alejandro noong umuwi kami ni Allessander na gupit pogi na ang anak namin. Pinagupit ko kasi ito na alam kong giginhawa ang pakiramdam niya. Hindi ko naman akalain na ganito pala kagwapo ang anak ko iyong tipo na kahit bata pa ito ay ta

