**THEA POV**
Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Hawak ko pa rin ang envelope na binigay sakin ng isang estudyante.
Nilapag ko ang aking bag at umupo sa gilid ng kama. Tinignan kong muli ang aking hawak bago ko ito buksan.
*You're such an unbelievable and strong woman. I salute you for that. Please meet me at Café Shang this Saturday. Around 3 o'clock. I hope you'll come, Ms. Alcantara. I've something to offer to you if you are interested.*
Napakunot ang noo ko at the same time ay nakahinga ako nang maluwag. Hindi naman pala death threat tulad ng nasa isip namin. Pero sino ba ito at gusto niyang makipagkita sakin?
Something to offer? Ano naman kaya 'yon? Baka isa ito sa mga fans ni Kutong-lupa at pinagloloko ako. Pero mukhang hindi naman iyon ang intensyon niya.
Pupunta ba ako? Kunsabagay ay wala naman mawawala sakin kung makikipagkita ako sa kanya. Kung kayang isama ko sina Era at Demver sakaling may balak man masama sakin ang kung sino man na nagpagdala ng sulat ay may magtatanggol sa'kin?
Napailing ako. Wala naman sigurong masama kung kikitain ko siya di ba?
Sige pupunta ako. Para na rin malaman ko kung ano ang pakay nito.
Hay... humiga ako saking kama at tumingala sa yero. Sensya na wala kaming kisame. Hindi tulad ng ibang nababasa niyo na tumitig o tumingala sa kisame habang nag-iisip. Mahirap nga lang kasi kami.
Sumagi bigla sa isip ko ang sinabi ni William James. That son-of-a-b***h!
"Bat ba galit na galit ka sakin to think na wala naman akong ginagawa sa'yo?"
Tama siya, wala naman siyang ginagawang masama sakin. Pero nakikita ko sa kanya ang tatay ko. Tulad niya isa rin itong babaero. Basta na lang kami iniwan kahit nagmamakaawa na kaming dalawa ni Inay na hindi namin kayang wala siya.
Ang masakit pa ay minura niya kami sa harap pa ng babae niya. Hindi niya raw kami kailangan at puro pasakit lang kami sa kanya. Di ba ang saya? Ang padre de pamilya pa ang nagsabi samin no'n. Nakita ko kung ga'no nasaktan si Inay.
I was only 8 years old back then. Pero sariwa pa rin sakin ang lahat.
Mula ng araw na iyon. Lahat ng mga lalaking manloloko. At ginagawang laruan ang mga babae ay kinamumuhian ko. Sinusumpa ko silang hindi sila magiging masaya kahit kailan. 'Yon ang magiging kabayaran sa lahat.
Hindi ko namalayan na nag-init na ang sulok ng aking mga mata. Kasabay nun ay ang pag-agos ng mga aking luha. Pumikit akong mariin ngunit hinayaan lang ang masaganang luha na tumulo saking mga mata.
Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti na akong nilalamon ng antok. Dala na rin siguro ng pagod sa buong maghapon.
"THEA, anak gising na. May naghahanap sa'yo sa labas. Kumain na rin tayo!" sigaw ni inay sa labas ng kwarto ko.
Nagmulat ako ng aking mga mata. Madilim na sa buong paligid. Gano ba ako katagal nakatulog? Hay! Ano na ba ang nangyayari sakin.
Sinindihan ko ang ilaw ng aking kwarto at humarap sa salamin. Napatingin rin ako saking suot. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Napailing ako. Ito ang unang beses na nangyari ito.
"Thea! Gising na!" Kumatok muli si Inay.
"Opo, sandali lang."
"Bilisan mo d'yan. Kanina pa rin naghihintay 'tong kaibigan mo!"
Kaibigan? Ano na naman ba ang ginagawa ni Era dito?
"Pakisabi sandali lang. Nagbibihis lang ako."
Hindi na sumagot si Inay. Nagsuklay muna ako ng buhok bago lumabas. Paglabas ko ay laking gulat ko nang makitang si Demver pala sinasabing kaibigan sakin ni Inay.
Tumayo ito at naka-plaster ang paborito kong ngiti niya pero may nabanaag ako sa kanyang mga mata.
Pag-aalala.
"Good evening, Thea," bati niya sakin nang makalapit ako.
Namawis bigla ang mga kamay ko. "Good evening din Demver. Napadaan ka?" tanong ko. Nagtataka rin ako kung pano niya nalaman ang bahay namin. Hindi naman sa kinahihiya ko ang bahay namin, ang inaalala ko ay si Inay.
Speaking of Inay. Nasan siya? Hayun! Nasa kusina. At ngingiti-ngiti. Sabi ko na nga ba. Si inay talaga. Iba na naman ang nasa isip.
"Ah k-kasi---" Nagkamot pa ito ng ulo.
"Thea, mamaya mo na tanungin ng kung anu-ano ang manliligaw mo este yang kaibigan mo. Halina kayo at kumain na." I rolled my eyes. Si inay talaga. Baka kung ano pa ang isipin ni Demver.
Tinignan ko ang ulam. Tinapa. Kumakain kaya ng ganito ang isang 'to? Sa pagkakaalam ko e mayaman si Demver. So malamang hindi siya kumakain ng pangmahirap na pagkain?
"Oh, ano na?" tanong ni Inay.
"Ah kasi inay baka hindi sanay kumain ng ganyan si Demv---"
"No. Actually favorite ko nga yan, eh. Kaso nga lang madalang na lang kaming kumain niyan," nakangiting sabad niya.
"Sure ka?" Baka kasi nahihiya lang ito sakin pati na rin kay Inay.
"Yup! Don't worry, hindi naman ako maselan sa pagkain."
"Yun naman pala," singit ni Inay.
Habang kumakain kami ay may isang bagay na naman akong nagustuhan kay Demver. Hay!! Demver you never stop to surprise me. What am I going to do with you?
Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minamahal. Sana bukas makawala mag-propose ka na sakin.
Propose agad-agad? Eh, siya na kasi ang ideal husband ko. May magagawa ba ako? Ano pa ba ang hahanapin sa isang tulad niya? Nasa kanya na ang lahat.
Pagkatapos namin kumain ay nagpumilit pa si Demver na tumulong sa pagliligpit pero hindi na siya pinayagan ni Inay. Dinala ko na lang siya sa labas ng bahay namin. Doon kami umupo. Presko naman kasi doon kumpara dito sa loob ng bahay. At para tipid na rin sa kuryente. Haha! Joke lang.
Matagal kaming nakaupo. Pareho lang kaming nakatitig ng diretso. No one dare to talk. Wala na rin akong lakas ng loob na tanungin siya. Ewan. Parang nahiya na kasi ako bigla.
Pero si Demver na ang bumasag sa katahimikan. "'Musta na? I've been calling you pero hindi mo sinasagot. Kaya nagdesisyon na akong pumunta sa inyo, tinanong ko kay Era kung saan ang bahay niyo. Baka kasi may nangyari ng masama sa'yo."
Napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya. Mukhang nag-alala talaga siya sakin. My Demver. My loves! Ay. Ano ba naman itong mga pinagsasabi ko.
"Sensya nakatulog kasi ako. Hindi ko rin natignan ang phone ko."
"It's okay. At least nasiguro ko ng ayos ka. How about the envelope? Nabasa mo na?"
"Yeah. Someone wants to meet me. Mayroon daw siyang i-o-offer sakin."
"What?" Doon na siya tumingin sakin.
"'Yun lang ang sinabi."
"So makikipagkita ka sa kanya?"
"Yep."
"I'll come with you then."
"No. Kaya ko naman."
"Sasamahan pa rin kita. What if may balak siyang masama sa'yo? Basta sasamahan kita. Period. I'll not allow anyone to harm you. Okay?" Pagpupumilit niya. And I didn't find that annoying in fact kinikilig nga ako. Kung pwedi nga lang maglulupasay ngayon din ay ginawa ko na. Iyong puso kong marupok, kilig na kilig.
Pinilit kong pakalmahin muna ang sarili ko bago nagsalita. "Demver, I know nag-aalala ka. But I promised, kaya ko naman. Tsaka wala naman siguro siyang balak na masama. Hayaan mo muna ako rito, please?"
Mataman niya lang akong tinignan. Kumurap-kurap na rin ako sa kanyang harapan para na rin makita niya kung gaano kaganda ang aking mga mata.
"But---"
Hindi ko na siya hinayaang kumontra uli. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay kahit pa nanginginig na ako. Tinignan lang niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay. "Please," pagsusumamo ko ulit.
Bumuntong hininga siya. Tapos ay pinatong niya rin ang kanyang kaliwang kamay. "Okay. Mag-iingat ka. And don't forget to text me. Mag-aalala talaga ako sa'yo."
"I promise." Yun lang ang nasabi ko.
Sumagi muli ang katahimikan. Tanging nararamdaman ko lang ng mga oras na iyon ay ang init ng palad niyang nakapatong saking kamay. Hindi naman kasi niya tinanggal. At ayaw ko rin namang tanggalin niya. Abay! Susulitin ko na ang matagal na panahon kong paghihintay, 'no?
Opportunity knocks once. At ang motto ko. Grab all the opportunities. Mahirap nang malagpasan.
"Thea."
"Hmmm."
Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko namalayan na magka-holding hands na pala kami habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Isn't it romantic? Pero nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya naman naisipan kong tanggalin ang kamay ko sa kanya. But he didn't let me instead he held me tight.
"May gusto sana akong sabihin sayo." He's looking at me. Pero parang may pag-aalinlangan. Yung tipong iniisip kung itutuloy ang sasabihin o hindi.
Baka heto na ang hinihintay ko. Magtatapat na siya ng pag-ibig sakin. Teka lang, handa na ba ako? Yung mga confetti na isasabog samin pag tinanggap ko na ang pagmamahal niya handa na rin ba?
"Ano 'yon." Kung naririnig lang niya ang puso ko. Malamang nabingi na siya. Kulang na lang kasi lumabas na ito saking dibdib. Sobrang lakas ng kabog nito.
Umiling-iling ito at bahagyang nangiti. "Mag-iingat ka palagi."
Biglang bumagsak ang balikat ko. Yun lang? Pero mukhang hindi iyon ang sasabihin niya, eh. May iba siyang sasabihin pero hindi niya lang masabi. Wag ka ng mahiya sakin Demver. Sabihin mo na ang pagsinta mo sakin.
"Assumera lang Thea?" sabad ng kontra-bidang utak ko.
Nahila ko tuloy ang mga kamay kong hawak niya. "'Yun lang?" hindi ko na naitago ang pagka-disappoint ko.
Bumuntong hininga lang siya. "Gabi na, pahinga ka na. Kita na lang tayo bukas."
No! Hindi ako makakapayag na hindi mo sabihin sakin ang gusto mong sabihin. Hindi kita paaalisin dito. Pero hindi ko naman masabi. Mahirap ng mapahiya 'no!
"Ah, eh. Sige. Good night."
Sabay pa kaming tumayo. Akma tatalikod na ako ng hawakan niya ang braso at iharap muli sa kanya.
Nagulat na lang ako ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Shit! He's going to kiss me? Kaya't napapikit na lang ako. Ready na ako sa pagkakataong iyon. Tagal ko rin kayang naghintay sa first kiss ko na inaalay ko lang sa kanya.
And for the second time around. Ganun na lang ang pagka-disappoint ko ng lumapat ang labi niya saking noo. "Good night, too."
Ayun lang at umalis na siya. Ako? Heto kahit medyo disappointed ay ninanamnam ang malambot niyang mga labi na dumapi saking noo.
Hay!! Napaka-gentleman talaga niya. My Denver.
Hihintayin ko ang matamis mong...
Iloveyou!!!
Yun lang at pumasok na ako sa loob.
SHIT!!!! Nakteteng namang kasi eh! Ba't nakalimutan kong i-alarm ang cell phone ko?
Masyado ko kasing inisip si Demver. Yan tuloy nawala na ako sa tamang wisyo. Nakalimutan ko na lahat ng daily and night routine ko.
Kasi naman may pahalik-halik pa kasing nalalaman.
Naku lang. Late na talaga ako. At katakot-takot na naman na sermon ang aabutin ko kay Ms. Kabayo. Kung hindi na lang kaya ako pumasok sa kanya? Pero sayang naman kasi yung matutunan ko. Magaling naman 'yon ang kaso nga lang eh saksakan ng sungit.
SHIT!!
Tumilapon ang mga librong bitbit ko. Grrr! Kainis naman. Ano na naman bang katangahan ang nagawa ko? Hindi ko kasi napansin, eh.
Dinampot ko na ang mga libro. Kukunin ko na sana ang huling libro ko pero inabot sakin nung nabangga ko.
"Here."
Napatda ako nang marinig ang baritong boses na 'yon. s**t si William James!!!
Ano ba namang kamalasan ang nangyayari ngayong araw.
Tinignan ko siya. Walang ekspresyon ang mukha niya. Anong gagawin ko? Tatarayan ko? Pero ako naman ang may kasalanan. Hindi ba masyadong napaka-unfair ko naman? Magpapa-sorry? Er! Wrong move. Hindi na bale.
Hinablot ko ang libro. "S-sala---" hindi ko rin kayang magpasalamat sa kanya.
Nakatitig lang siya sa'kin. Yung titig na iyon. Tagos hanggang sa kaloob-looban Aghhh!! Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito?
At bakit naman ako naapektuhan sa titig niya at ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit hindi ko rin maalis-alis ang titig ko sa kanya. Parang. Parang nagugust--- No. That's not gonna happen. That jerk.
"Hey, Thea." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Demver. Hindi ba siya pumasok?
"Anong ginawa sa'yo ng lalaking ito?" tanong niya nang makalapit sa'kin. Hinapit niya ako palapit sa kanya. At masama ang titig kay William James.
"W-wala naman siyang ginawa. Actually, it's my fault." Tinignan ko si William James.
Nakasimangot siya. Anong problema ng isang ito? Dahil ba hindi ako nagpa-sorry o nagpasalamat man lang kaya siya nakasimangot?
O sorry na tsaka thank you. Sensya na hindi ko maisatinig. Okay na iyon.
"Sensya na, pre. Tara na, Thea." Hinila na ako palayo ni Demver.
Napasulyap akong muli kay William James. Makulimlim na ang mukha nito. At hindi ko na talaga siya ma-gets.
Pwes bahala siya. Wala akong panahon na pag-aksayahan kung ano man ang kinagaganyan niya.
Deep Sigh.