SMP - Chapter 3

2029 Words
THEA POV Mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang insidente sa pagitan namin ni William James. Kung ang inaakala niyo ay masaya ang pakiramdam ko dahil tinupad ni William James ang sinabi niya na hindi siya lalapit sakin pwes nagkakamali kayo. Oo nga't hindi siya nagparamdam physically. Pero shuta! Kinuyog ako ng mga fans niya. Tukneneng malay ko bang may fans club ang kutong-lupang iyon! Ni hindi ko na nga makuhang lumabas ng classroom. Maya't-maya ay may kung ano na lang bagay ang lumilipad papunta sakin. Tapos halos masasakit na ang mga sinasabi nila sakin at talagang below the belt na. Kesyo raw masyado akong pa-bida to think I'm not that pretty tulad nilang mga fans nito. Nagpapansin lang daw ako kasi nga hindi ako pinapansin ni William James, kaya kinailangan ko pang gumawa nang ganung eksena. At marami pang iba. I'm not going to compare myself to them. Tsaka malayong-malayo talaga kami. Kasi ako matino pa ang utak ko hindi tulad nila pasira na ang ulo kamukha ng kanilang idolo. Ay! Ayaw ko ng isipin ang mga iyon! Baka mahawa lang ako sa pagiging baliw nila. "Here." Si Demver sabay abot ng hotdog sandwhich at coke. Touch naman ako kay Demver. Mula kasi nung kinuyog ako ng mga bagong labas sa mental na fans ni kutong-lupa ay lagi na siyang nandyan sa tabi ko. And I really appreciate his effort na hindi talaga ako iniiwan. Feeling ko nga boyfriend ko na siya. Mantakin mong siya na lang lagi ang bumibili ng meryenda namin. Pag umuuwi ay hinahatid niya rin ako hanggang sa sakayan. Ayaw ko kasing pati samin ay ihatid niya ako, baka kung ano pa ang isipin ni inay. Basta darating din kami sa puntong iyon. Yung ipapakilala ko siyang, "nay, si Demver po. Boyfriend ko." Aw! Pwedi bang mag-split? Kinikilig kasi ako. Di ko na mahintay ang araw na iyon. Baka kasi bumubwelo pa si Demver. Ayaw akong mabigla. Oo tama nga. Baka ganun nga. Kung kayang sabihin kong ready na ako? Jusko, ano ba naman itong mga pinag-iisip ko? Hayun na nga't kinukuyog na ako. Yung pagsinta ko pa rin ang nasa isip ko. Nandyan rin naman si Era para ipagtanggol ako pero iba pa rin kung lalaki ang magtatanggol minsan kasi ay hindi na namin kinakaya ni Era ang mga iyon. Nakakasakit na talaga sila ng sobra. "Thanks," tipid kong sagot. Siniko ako ni Era. Tapos ay binulungan ako. "So what's with the flirtatious kyeme? Landi nang pagkakasabi mo." "Malandi ba?" Di ko naman kasi napansin, eh. Basta ganun na lang ang lumabas. Nilantakan ko na yung sandwhich. Kanina pa ako gutom. Yung metabolism ko tumatakbo yata ng isang kilometro kada kinse minutos oo ganun kabilis. "Oo. Kaya," Di ko na pinansin si Era. Pano daming nakikita. Naku kung alam niyo lang ang pinag-gagawa ng gagang iyan. Di kakayanin ng super power niyo. Panira lagi 'yan ng momentum namin ni Demver. Speaking of Demver, napatingin ako sa kanya. Ganun na lang ang gulat ko nang nakatingin din siya sakin. Nakangiti pa siya habang pinapanuod akong kumakain. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka-conscious. Pwedi ba Demver kung nagagandahan ka sakin wag naman yung harapan mong ipamukha? Nakakahiya kaya. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Napahagikgik pa siya. Lalo tuloy siyang g-um-wapo sa paningin ko. "Nope. It's just that I found you cute while you're eating." Ano daw? Pwedi paki-ulit? Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig. Napasubo uli ako ng sandwhich. Hindi ko kinakaya ang isang ito. Nagagandahan ka pala sakin habang kumakain, ah? Heto namnamin mo! Naramdaman kong siniko uli ako ni Era. I know she has something in her mind. Kaya dinaan na lang sa pagsiko. Bibirahin ko na sana siya ng biglang magsalita si Demver. "Wait." Kaya't automatic akong napatingin sa kanya. May hawak siyang tissue at pinahid sa gilid ng aking labi. "May dumi kasi." Pagtatapos niya. Yung pisngi ko, pakiwari ko ay sobrang pula na. "OMG. I can't handle this anymore. Para akong tino-torture tuwing naglalandian kayo sa harap ko. Pwedi ba!" overacting na saad ni Era. Nung problema nito? "Pinagsasabi mo? Parang pinunasan lang ni Demver yung gilid ng labi ko---" "Oo nga. Pero wala na sanang malisya 'yon kundi lang sinpula ng kamatis yang mukha mo." Napatingin ako kay Demver. Nakangiti siya tapos napapailing parang pinipigil lang ang tawa. So ibig sabihin? So ibig sabihin ay nakita niya ang pamumula ko? Shet! "Tignan mo! Ngayon naman parang suka yang mukha mo sa sobrang pamumutla. Iba ka talaga friend!" "Tse!!" "I'm glad I have you guys! Hindi ko akalain na ganito ako magiging kasaya nang mapalapit sa inyo. You always made my day," singit ni Demver. "So ngayon naman clown kami sa paningin mo? Ganun?" pambabara ni Era. Ganyan lagi ang dalawang iyan. Si Era ang reyna ng pambabara. "No! Hindi ganun! Ikaw talaga Era!" depensa ni Demver. "Sus pakunwari ka pa. Pero 'wag kang mag-alala. Sa'yo pa rin ang boto ko." Teka ano daw? Boto? Hahabol ba ng student council si Demver? Teka hindi na siya pwedi dahil ga-graduate na kami. "Thanks!" si Demver na tila nauunawaan ang sinabi ni Era. "Boto?" takang tanong ko. "Wala 'yon," sabay pang bulalas ng dalawa. "So kailangan talaga sabay pang magsalita?" "Umayos na nga tayo. Darating na rin mamaya ang mga classmate natin," pag-iiba ng usapan ni Demver. "Oo nga," segunda naman ni Era. Meron ba akong dapat malaman sa dalawang ito? Kaniis sila ah. William POV It's been two weeks since the last time I saw her. Hindi talaga ako lumapit sa kanya. Natutuwa nga ako tuwing kinukuyog siya ng mga fans ko. Buti nga sa kanya. Masyado namang kasing masungit 'yon. Hindi ko maintindihan ang pag-uugali. At mas lalong hindi ko maintindihan ay kung bakit sukdulan ang galit niya sakin. Di naman kasi ako kumbinsido sa sagot niya nang tanungin ko siya. I know, may mas malalim siyang dahilan. At talagang napuno ako sa kanya ng sampalin niya ako sa harap ng mga tao. Yun ang may unang beses na gumawa sa'kin nun. Halos lahat kasi ng babaeng nakakadaupa ko ay sinasamba ako. Buti at nakapagtimpi ako nung araw na iyon. Kundi. Kundi ay hinalikan ko na talaga siya nang matigil sa kakabunganga. Napalunok ako nang malala ang mga labing iyon..That lips!!! s**t!! Forget about it! Damn you, William! Kaya bilang parusa sa ginawa niya. Ayun on the rescue naman ang mga Fans ko kuno. Honestly, na-shocked din ako kasi di ko rin alam na may fans club ako. At ganun na lang ang ginawang pagtatanggol nila sakin. Okay na sana ang lahat. Todo na sana ang saya ko pero may isang papansin na umeeksena. Yung lalaking laging naka-aligid sa kanya. The f**k! Boyfriend niya ba yun? Di naman hamak na mas gwapo ako sa isang iyon. Ano bang nakita niya na wala ako? P*tang-ina. Ano na naman ba itong mga pinagsasabi ko? "Still thinking Tifanny?" basag ni Kenji sa pag-iisip ko. "Baka naman si Hershey ang iniisip niya," humagikgik na saad din ni singkit. "The f**k! Sino ba ang mga pinagsasabi niyo? Tifanny? Hershey. Who are they?" tanong ko. Kahit naman kasi yung mga babaeng na-i-date ko na ay hindi ko matandaan ang pangalan. "Pero si Thea ay hindi mo nakalimutan!" And why I'd forget that damn girl. Hiniya niya ako. Pinagtanong-tanong ko lang naman ang pangalan niya. Mahirap ng hindi mo kilala ang kalaban. "Pards! Akala ko pa naman tinamaan ka na dun kay Thea. Tifanny Hershey E. Alcantara. Thea for short. Gets?" si Kenji. So that's her real name? Kaya pala nagtataka ako kung bakit wala siyang apelyido. Stupid William. "Tssk! Malay ko bang yun ang pangalan niya. I don't care. At bakit naman ako tatamaan dun! Walang-wala siya sa mga babaeng nai-date at---" "Na i-kama mo na? Dude!! Talagang ibang-iba siya. Mantakin mong sampalin ka ba naman!! Haha! Di pa rin ako makaget-over sa ginawa niya sa'yo!" tatawa-tawang ani Justin. "Exactly! Ganun din ako. Di rin ako makaget-over. At kung iisipin. Wala ka man lang ginawa para gumanti!" segunda ni Kenji. "May gumaganti na para sakin," nakangising balik ko sa kanila. "Oh yeah. Your stupid fans. Grabi na lang ang pagka-obsessed sayo ng mga 'yon! Ingat ka lang. Baka mamaya niyan! Lahat na lang ng kilos mo ay alam na nila. Baka masakal ka sa kanila. Tignan mo na lang ang mga artista. Pag hinihiwalay sa mga ka-love team nila kinukuyog yung bagong makaka-pair ng idol nila. At worst! May death threat pang involved. Pa'no na lang kung bigyan ng death threat si Thea?" mahabang lintanya ni Justin. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na may tinatago palang pagkaseryoso ang lokong ito. Death threat? Pano kung makatanggap nga ng death threat si Thea ng dahil sa akin? At bakit ko naman iisipin ang kalagayan ng babaeng iyon? Pinasok niya iyon at matuto siyang lutasin niya. "But still! You're responsible in case something bad happens to her," sabad ng kabilang utak ko. Kailangan ko bang gumawa ako ng paraan para tumigil na ang mga fans ko? But how? Di ko naman sila kontrolado. At hindi ko nga alam kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito. "See?" Justin said. "What?" They both chuckled. Are they out of their mind? What was that all about? "After all, you still care for her." "W-what? Uhm-- what made you think tha---" "Dude! Kung di ka nag-aalala para sa kanya. Hindi ka mag-iisip ng ganun kalalim." Sarap batukan nang isang 'to. "And hindi na rin ako magtataka no'ng minsang sinita ka namin na malalim ang iniisip. Siguro si Thea ang iniisip mo nun! So that means na nagkita na kayo bago pa yung madamdaming sagutan niyo!" gatong din ni Kenji. Talagang pinagtutulungan ako ng dalawang ito. "Stop it guys!" "Hallelujah!!! Hallelujah!!! Sa wakas nakatagpo ka na rin ng katapat. Naalala ko si Mia ng mga panahon---" Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang pangalang iyon. "f**k off dude!! Wag mong isali dito ang babaeng 'yon!" nagtatagis ang mga ngiping saad ko. Napatigil sila pareho sa pagtawa. "Sorry," panabay nilang usal. "Isa pang beses na banggitin niyo ang pangalan na iyon! Itong kamao ko na ang makakaharap niyo." Iniwan ko na sila. Hindi ko mapigil ang galit ko sa tuwing naririnig ko ang pangalang iyon. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako minsang nasaktan ng mahalin siya ng lubusan. THEA POV "MISS, may nagpapabigay sayo," saad ng estudyante. Inabot niya sakin ang maliit na envelope. Iilan na lang ang mga estudyante nang magpasya kaming lumabas ng University. Buti na lang nga at wala na ang mga fans ni Kutong-lupa. Napatingin ako sa dalawang kasama ko. Parehong nakakunot pa ang mga noo nila. Marahil ay curious kung ano ang laman ng envelope nito. "Di kaya death threat 'yan?" asik ni Era. Napasinghap ako. Death threat? Bakit naman ako padadalhan ng death threat? Dahil ba sa ginawa ko kay William James? Ganun ba kabigat ang parusa ko? Bigla akong nanginig. Hindi malayong death threat ito. Pero sana ay hindi naman. Hinawakan ni Demver ang kamay kong malapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya. "I'm here. Hindi ko hahayaan may mangyaring masama sa'yo," sinserong sabi niya. Parang hinaplos ang puso ko ng mga sandaling iyon. Kaya't napatango na lang ako. Buti na lang at dumating si Demver sa buhay ko. Napakalaking bagay ang presensya. Pakiwari ko ay hindi talaga ako mapapahamak hangga't nandyan siya. Si Demver, ang lalaking tinatangi ng puso ko. "Mamaya mo na lang buksan yan. Pero kung ano man ang laman niyan. 'Wag mo kaming kalimutang abisuhan," dagdag pa niya. Napatango na lang ako. Ano nga kaya ang laman ng envelope na ito? Iba kasi ang nararamdaman ko. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Sana. Sana hindi ito tulad ng tinutukoy ni Era. Napabuntong-hininga ako at naramdaman kong mas humigpit ang hawak sakin ni Demver. Sa pagkakataong iyon. Wala sa isip kong niyakap ko siya. Parang tangang sumubsob ako sa malapad niyang dibdib at hindi namalayan na naiyak na pala ako. "Tahan na. Nandito kami ni Era." "Oo nga. Nandito kami, Bes. Di naman namin hahayaan na may mangyaring masama sayo." Salamat. Salamat at nandito sila para paaganin ang loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD