William POV
Shit! I saw her again! Dito rin pala siya nag-aaral?
How come na ngayon ko lang siya nakita sa university?
Teka, pinagtatagpo ba talaga kami?
The f**k! It's not so you William James!!! Kailan ka pa naniwala sa destiny?
Destiny! The f**k again. Ano bang 'tong mga pinag-iisip ko?
Ano bang ginawa ng babaeng ito sa'kin? The last time I saw her di na niya ako pinatulog. She's always on my mind. And this is new to me. Di pa ko ginambala ng kahit sino mang babae ang utak ko even those wildest girls na na ikama ko na.
And I remember the kiss we'd shared. s**t! Those soft red lips.
Now I knew it. Maybe I wanted more. O yeah! That's exactly what I want that is why I can't get rid her out of my system.
The time she kissed me, I was stunned. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. She's so innocent. Wala sa mukha niyang mala-anghel na gagawin ang bagay na iyon.
I'm going crazy. Ginugulo ng babaeng 'yon ang utak ko. And I'll not let her ruin my whole system. Hindi ang isang tulad niya ang magpapabago sa kilalang player ng University na ito.
Baka gusto niya lang magpapansin sakin? At 'yon ang ginawa niyang tactic? Parang may nag-"ting" sa utak ko. Ayos din yung babaeng iyon.
I took a deep breathe. William James, common, you're not going to think that stupid girl again. She's not even your type. Hindi pa naman ganun kababa ang standard mo sa mga babae. 'Wag mo siyang pag-aksayahan ng oras. Kaya't tigilan mo na ang kahibangan mong iyan.
Napabuntong hininga na lang ako muli ako sa mga pinag-iisip ko.
"Something's wrong?" tanong ni Kenji na nagpabalik ng aking sarili sa kasalukuyan.
"Yeah, lalim no'n, ah? Baka malunod kami niyan," exaggerated na saad naman ni Justin.
Tinignan ko silang dalawa. At parehong naka-kunot pa ang mga kilay ng mga ugok.
"Wala."
Ngumisi si Justin at nangalumbaba. "Parang 'di naman kami kumbinsido niyan ni Pareng Kenji."
Kahit kailan talaga napakulit nitong ugok na ito.
"Right bro, that's odd. Ni hindi ka nga namin nakitang nag-isip ng ganyan kalalim. Kahit pa sa mga major exams natin," segunda ni Kenji.
"Woah! Baka nagbabagong buhay ang loko! Yes! Brad! Dahil ga-graduate na tayo!" sigaw ni Justin.
Napapitlag ako sa sinabi nito. Di ko lubos akalain na malapit na nga pala kaming magtapos, ilang buwan na lang pala. Akalain mong nairaos ko rin ang Civil Engineer. Kahit ganyan ako kaloko. Civil engineer ang kinuha ko, di rin biro ang apat at kalahating taong pinaghirapan ko. Malay ko bang limang taon pala ito. Napasubo na lang. Pero aaminin ko. May pagkakataon na nagpapacute lang ako sa mga professors namin. Lalo na 'pag bigayan ng mga grades. Mahirap nang ibagsak pa ako. Isang kindat lang sa kanila, kuha na nila agad ang ibig sabihin ko.
"Mga tado! Tara na nga. Kanina pa ako hinihintay ni Leilani."
"Wah!! Loko! Iba ka na talaga! Si Leilani yung sa Nursing department? Yung maputi, makinis at malaki yung boobs?" manghang tanong ni Justin. Pinalaki pa ang singkit na mga mata ng loko.
Ngisi lang ang sagot ko sa kanya.
"Taena naman! Pards! Tagal na naming pinopormahan ni Justin 'yon. Sayo lang pala bibigay."
"Eh, ganyan talaga," mayabang kong sagot sa kanila.
"Pahinga ka rin pag may time. Maawa ka naman kay jun-jun, kayod na kayod, ah," alaska pa ni Justin.
Nagtawanan pa ang mga ugok.
"Oo nga naman. Baka pag nakita mo na yang one true love mo eh. Wala ka ng maisabak."
"f**k you! Kilabutan ka nga sa one true love," sagot ko sa kanila.
Alam na alam nila kung pa'no ako inisin ng mga ito. One true love? Kailan pa ba ako naniwala sa pag-ibig? Siguro nang panahong wala pa talaga akong muwang sa mundo. Oo, baka nung mga oras na iyon. But, by this time? Kung tatanungin niyo ako kung naniniwala ako sa one true love? Ayan! Fck'U din ang sagot ko.
Love doesn't exist. Sa mundong ginagalawan natin, hindi puso ang pinapa-iral kundi utak. Oo! Utak ang dapat pinapairal. Dahil oras na ginamit mo ang puso mo. Kawawa ka. Masasaktan ka lang.
Minsan na akong nasaktan. And I promised to myself it will never happen again.
Kaya ngayon ay nakikipaglaro na lang ako. At least, in that way mas malayo ka sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa usaping puso.
Mas malayo sa posibilidad na masaktan ka.
THEA POV
"SO KAILANGAN talaga 'pag nakangiti dapat hanggang batok? Try mo kayang huwag magpahalata kay Demver," sita ni Era sakin.
Bakit ba! Sa masaya ako, eh. Ba't ba ang bitter ng isang ito? Wala siyang magagawa.
Medyon nakakahinayang lang. Kung hindi lang may emergency sana ay kasabay namin ngayong pauwi si Demver. Pero ayos lang at least nagkakausap na kami.
"Eh, ganyan talaga. Minsan lang naman humarot 'tong bestfriend mo! Hayaan mo na." Nakangiti pa rin ako, ayaw talagang paawat ng mga labi ko, eh. Kinikilig pa rin daw kasi.
"Gaga! Eh, kanina namang tinanong ko si Demver kung may gusto siya sayo. Halos magmukha ka ng suka sa sobrang putla mo."
Inirapan ko siya nang maalala ang kabaliwan niya kanina. "Kung di ka ba naman K.J. Alam mo namang ngayon lang kami nagkausap. Binira mo na agad ng ganyang tanong. Siyempre kumukuha pa iyon ng diskarte. Wag mo sirain yung plano niya. Mas maganda yung surprised na planado. Para mas bongga."
Pagna-iimagine ko yun para akong lumulutang.
Si Demver. Si Demver na matagal ko nang pinapangarap.
Hinila ni Era ang mahaba at medyo kulot kong buhok. "Tigilan mo nga 'yang kaka-daydream mo. Baka mahampas kita nitong hawak kong libro," kunwa'y asar niyang saad. Alam kong kinikilig din yan. Yan pa, alam ko na ang likaw ng bituka niyan. Kasangga ko na yata yan mula high school.
"Inggit ka lang," natatawang saad ko.
"Tse! Makakahanap din ako ng bago." Era rolled her eyes. Tas bigla na lang niya akong niyakap. "But honestly, I'm so happy for you."
Yumakap din ako pabalik. "Thank you, pero kung pwedi bitawan mo na ako. Medyo hindi na kasi ako makahinga eh."
"Ay! Sorry naman! Hay! Sa wakas ang gaga kong kaibigan. Magkaka-boyfriend na din."
"Boyfriend? Agad-agad? Di ba pweding friends muna? Tas bestfriend. M.U. Tapos IT'S COMPLICATED---" hindi ko na natuloy ng pangunahan na niya ako.
"Tapos IN RELATIONSHIP!!!!!!!!!!!!!!!" Sabay pa kaming napatili. Para kaming timang sa daan. Nagtinginan pa ang mg tao samin.
"Tara na nga. Baka pagkamalan pa tayong baliw dito." Napahinto ako nang makita iyong makakasalubong namin. "Mas maganda yata kung doon na lang tayo sa kabilang side dumaan."
Ayaw kong masira ang araw. At lalong ayaw kong maalis ang ngiti ko saking mga labi. Di yata ako papayag na dahil sa kanya ay mawawala ang goodvibes sa katawan ko.
Hinila ko na si Era bago pa siya makapagsalita. Pero sadyang matigas ang ulo ng isang ito.
"Teka bakit ba! Mas malapit dito, dito na lang tay---" Napahinto rin ang gaga nang makita ang kasalubong namin. Ako naman ay napairap na lang sabay napasinghap. Nag-uumpisa ng kumulo ang dugo ko. "Sabi ko naman sayo makikita ko rin yung para sakin eh," mahinang saad niya habang parang tangang nakatayo pa rin. Kumikislap pa ang mga mata niya.
Hala anong nangyari sa baliw na ito? Daig pa ang na-engkanto sa reaksyon niya.
"Hi, papa William James," mahinhin na sabi ni Era. Kung maririnig niyo lang kung pano kalandi ang boses ng gaga kong kaibigan kikilabutan kayo. Ako tuloy yung nahiya sa kanya. Pati yung talukap ng mata nakikisabayan din sa panlalandi.
Ganun ba talaga ang epekto ni William James kutong lupa sa kanya? Kadiri ang taste niya.
"Hi, miss," balik naman ni Kutong lupa.
Naku Era! Ngayon pa lang tigilan mo na ang kahibangan mong iyan! Baka mamaya niyan mababalitaan ko na lang na isa ka na sa mga nai-kama ng kumag na iyan.
Ano ba naman tong pinag-iisip ko? Hindi naman ganun klaseng babae 'tong si Era. Pero sa nakikita ko hindi malayong bumigay siya. Sa lakas ba naman ng kamandag ng lalaking pinaglahi sa cobra tiyak na papatuklaw ang isang to.
"Era tara na nga," masungit kong yaya sa kanya.
Napatingin naman sakin si William James. Walang ekspresyon ang mukha niya. So what? Wala rin naman akong balak basahin kung ano ang nasa isip niya. I'm not a mind reader at hindi ko pinangarap yun.
"Hi, miss," bati niya sakin na kinabigla ko. Tinignan ko siya nang mataman at baka nag-a-assume lang ako. Mahirap nang mapahiya sa harap ng kutong lupa na na ito 'no?
Pagtingin ko uli sa kanya--- sakin pa rin siya nakatingin pero ngayon may kasama ng ngiti.
Agad na kumulo ang dugo sa nakita ko. "Hi mo ang mukha mong kutong-lupa ka!" masungit at nakataas kilay kong sagot sa kanya.
Kita ko ang panlalaki ng mata niya pati na rin ang mga kasama niya. Si Era ay napansin kong napanganga naman sa sinabi ko.
What? Can anyone here tell me what's going on? May nasabi ba akong mali? Wala naman di ba? So please! Tell these mongols not to react that way.
He opens his mouth as if he's going to say something. Pero sinara niya rin ito. Mataman na siya ngayong nakatingin sakin. Bahagyang nakakururot ang kilay nito. Nagtataka marahil sa sinabi ko.
Malas niya lang. Nasabi ko na at wala akong balak bawiin.
"So what now? Magtitigan na lang ba tayo? O aalis na kayo sa harapan namin?" muli ay sita ko.
Narinig kong napasinghap ang mga kasama ni William. Well, I don't care. I guess ito ang unang pangyayaring may nagtaray sa kanilang pinakamamahal na kaibigan.
"Miss, anong pangalan mo?" tanong nung medyo singkit. Ngayon ko lang napansin may tulak kabigin naman pala ang mga kasama ng kutong-lupa na ito. Pero wala pa rin sa ka-gwapuhan ni William James.
WHAT? Sinabi ko bang gwapo siya? Yuck! Hindi ko dapat pinupuri ang isang tulad niya na mataas ang tingin sa sarili. Isa siyang peste na dapat ay pinupuksa.
"At sa palagay mo, bakit ko naman sasabihin?" mataray kong tanong sa halip na sagutin siya.
"Woah! Easy. I'm Justin. Heto naman si Kenji. And yung sinungitan mo si William," sabi pa rin nung singkit na nagpakilalang Justin.
Tumingin akong muli kay William. The nerve! Nakangising-aso ito. Mas lalong kumulo ang dugo ko.
"Actually, wala naman akong pakielam sa mga pangalan niyo. I'm not interested to know you guys." Humalukipkip pa ako habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Okay." Sa wakas ay nagsalita rin si William.
Bumuntong hininga ako, nagpipigil lang ako. Gustong-gusto ko na siyang sapakin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman kong pagkabwisit sa kanya. Binalingan ko si Era na nakatunganga pa rin. I rolled my eyes and snap my fingers para mabalik siya sa realidad.
"Let's go." I tugged her hand and we're about to leave ng may humawak sa braso.
Tinignan ko ang pangahas na pumigil sakin. At halos ang lahat ng tinitimpi kong galit ay parang biglang sumabog.
"I hope this will not the last time na magkikita tayo." Nakangisi pa rin siya.
Hinila ko ang kamay kong hawak niya. At wala pasabing sinampal ko siya.
Kita ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha. At lahat ng mga tao sa paligid ay napatigil sa ginawa ko.
Wow! This is breaking news. Isang babae ang sumampal sa isa sa pinakatitilian at hinangahaan nilang si William James. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.
Hinawakan niya ako at may karampatang parusa iyon. "Don't you ever touch me again! At wag ka ng umasa na magkikita pa uli tayo." Dinuro ko siya.
Umiling-iling ito pero nakangisi pa rin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Hindi man lang ba siya nasaktan o mas magandang itanong na hindi man lang siya natinag sa panghihiyang ginawa ko?
So what's his plan now? Is he going to revenge? I'm ready. Kung yun ang balak niya.
"Ba't ba galit na galit ka sakin to think na wala naman akong ginagawa sa'yo?" tanong niya. I can see amusement in his eyes. Is he actually enjoying what's happening now?
Gusto kong magpapadyak sa inis.
Para ko na rin sinampal ang sarili ko sa tanong niyang iyon. Ano ang isasagot ko? Na dahil sa mga babae niyang pinaiyak at pinaglalaruan kaya galit na galit ako sa kanya? Kailan pa nga ba ako naging concern citizen ng Pilipinas?
Basta nag-uumapaw ang galit ko sa kanya. At hindi ko alam kung bakit. Tuwing nakikita ko siya ay kusa na lang kumukulo ang dugo ko.
"Ako alam ko kung bakit. Dahil sa nakikita mo sa kanya ang papa mo," pagpapaalala sakin ng kontra-bida kong utak.
Napayuko ako. Nag-init bigla ang sulok ng aking mga mata. Tama. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa mga lalaking tulad niya.
"Ba't di ka na nakasagot? Hindi naman kaya paraan mo lang 'yan para mapansin kita?"
Napasinghap ako at marahas siyang tinignan. Narinig ko ring humagikgik ang dalawang kasama niya. Nagtatagis na ang mga bagang ko at nagpupuyos na ako sa galit.
Ako pa pala ngayon ang mapapahiya sa halip na siya.
Masasabi kong magaling siya sa larong ito. At alam ko, hindi ko siya matatalo. Mas maganda sigurong umalis na lang ako dito.
Pakiwari ko kasi na anumang oras ay tutulo na ang luha ko.
"Taas talaga ng tingin mo sa sarili mo! Pero ito lang ang tatandaan mo! Hindi ko ginagawa ito dahil sa gusto kong magpapansin sa'yo. Gusto ko lang malaman mo na hindi lahat ng babae ay magkakadarapa sa'yo,"
"So yun lang 'yon?" tila hindi kumbinsidong tanong niya.
"What?"
"Yun lang yun kaya ka nagagalit ka sakin? Pwedi naman nating pag-usapan iyan. Iyan ay kung gusto mo lang naman."
Tinaasan ko siya ng kilay. "No thanks. Mas makakabuti na rin siguro satin kung iwasan natin ang isa't-isa."
"Kung ako naman ang tatanungin wala naman akong balak na lapitan ka."
Sa halip na hiya ang naramdaman ko ay tuwa pa ang namutawi. At least iyon na ang huli naming pagtatagpo.
"Edi mas mabuti."
Tapos ay tumalikod na ako. Bahala na si Era kung susunod siya sakin o magpapacute pa sa lalaking iyon.