Dangerous place "Abbegail?" Ilang katok ang sumunod nun. Kanina pa yan siya. Atat na atat lumabas. Nagbibihis pa kasi ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ang sabi ko lang kasi gusto kong gumala kaming dalawa. Sinusulit ko ang sembreak. Paggising na pagkagising ko kanina yan agad ang bukambibig ko. "Wait! Heto na! Patapos na!" Sinuot ko ang converse shoes ko at inayos ang top button kong long sleeve na puti at parang polo shirt pero manipis lang yung tela. "Ang tagal mo. Pasukin kaya kita? I wanna see you." Humalakhak ako sa loob. Kainis na Jame Brancen 'to pinapakilig pa talaga ako. Ilang minuto lang akong nandito sa loob nagkakaganyan na siya. Mabilis kong pinagdadampot ang mga pampaganda ko at ipinasok ko purse ko. Hindi pa nga ako nakakapagsuklay eh. Tanging facepowd

